Anak Nina Angelica at Gregg dinumog

April 10, 2023 Aster Amoyo 513 views

JohnENGAGED couple Angelica Panganiban and Gregg Homan welcome their first child, Amila Sabine last September 20, 2022. Their almost seven months daughter is their source of joy.

Ang Subic-based couple ay napaka-hands on nila pagdating sa pag-aalaga sa kanilang baby.

The couple and their baby got reunited with one of the godparents of Amila Sabine na si John Prats at wife nitong si Isabel Oli with TV and movie director Andoy Ranay.

Si John ay isa sa close friends ni Angelica and also a business partner.

“Finally! Nabisita ko rin inaanak ko at bestfriend ko! Salamat sa pag-welcome @iamangelicap and @gregg_homan. Salamat din sa masarap na kwentuhan direk@andoyr1973 at syempre salamat din sa masarap na curry! Love you guys! Sarap ng roadtrip naming mag-asawa.

Love you cuff!,” pagbabahagi ni John sa kanyang Instagram account.

Marami naman ang nag-aabang sa wedding nina Angelica at Gregg.

Hihintayin kaya ng couple na makapaglakad si Baby Bean para ito ang tumayong flower girl nila?

Anak ni Maritoni engaged na

PicPic1MASAYA ang actress-entrepreneur and breast cancer survivor na si Maritoni Fernandez for her daughter, ang Kapuso actress na si Lexi Fernandez who is now engaged sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Charles Harry.

Lexi herself shared her engagement to her fiancé last April 7 sa kanyang IG account while they’re in Hong Kong for the Holy Week kasama ang kanyang mom and her present husband na si Mon Dayrit.

Si Alexi ay only child ni Maritoni sa kanyang ex-husband, ang businessman na si Alex Alvarez. She has another child, a son Liam Sarmiento (18) from a previous relationship.

Si Alexi ay nagtapos ng Child Development and Education sa University of Asia and the Pacific nung 2019 and the following year, she took her master’s degree in Australia.

Masaya ang Kapuso actress during her graduation in 2019 dahil parehong dumalo ang kanyang entranged parents kahit matagal nang hiwalay ang mga ito.

“Sharing the good news with everyone…@itslexif Lexi said yes to @ohcharlesharry! Mon @mondayrit and I couldn’t be happier. May your love continue to grow with each breath, my darlings (three heart emojis),” shares Maritoni sa kanyang IG account.

“God’s best. God’s time. Harry, I’ve never been more sure. Thank you for loving me the way you do. I’m so excited to spend the rest of my life with you.

“Omg, I’m in my fiancé era,” pagbabahagi naman ni Lexi sa kanyang Instagram page.

Samantala, Maritoni was in a previous relationship with former model-actor Hans Montenegro at tumagal din ang kanilang relasyon ng dalawang taon at kamuntik pang mauwi sa kanilang planong pagpapakasal.

Hans is divorced sa dating beauty queen, 1994 Bb. Pilipinas-World na si Cara Subihano with whom he has a lovely daughter na si Ashley Subijano Montenegro na sumunod sa yapak ng kanyang ina in modeling and beauty pageantry.

Docu tungkol kina Price Harry at Meghan worth-watching

HINDI man kami nakapag-out-of-town during the Holy Week which we usually do, sobra naman naming na-enjoy ang ilang araw na pahinga sa bahay, Visita Iglesia, attending mass, paggawa ng household chores at nagkaroon kami ng mahabang oras na panoorin ang “Harry and Meghan” docu series maging ang “The Crown” on Netflix.

By watching “Harry and Meghan” ng Duke and Duchess of Sussex na sina Prince Harry at Meghan Markle, doon namin lalong naunawaan kung bakit tinalikuran ng royal couple ang kanilang royal duties sa royal family to live privately in California, USA along with their two kids na sina Archie Harrison at Lilibet Diana (whose name from derived from Prince Harry’s grandmother na si Queen Elizabeth II and his mother na si Princess Diana). Habang ang “The Crown” ay tumatalakay naman sa buhay ng yumaong longest serving monarch (70 years) na si Queen Elizabeth II, her romance and politics that go with the crown.

Although mahaba-haba pa ang bubunuin namin to complete the series (50 episodes for 5 seasons and with the upcoming Season 6), the series is really worth watching.

Cherie Pie namataan na wala si Edu

Pic2SOBRANG tahimik ng Metro Manila, walang traffic at nagkaroon talaga kami ng quality time to rest and reflect.

In one of our Visita Iglesia last Thursday evening, we bumped into actress Cherry Pie Picache kasama ang anak niyang actor na si Nio Tria at Padre Pio church in Quezon City. Paalis na kami ng simbahan nang makasalubong namin ang mag-ina na kapapasok lamang. Hindi nila kasama ang actor na si Edu Manzano, ang current partner ng aktres.

SMMFF kulang sa suporta Ng manonood

SAMANTALA, ang isa siguro sa mga dahilan kung bakit hindi na ganoon kalakas ang mga movies na palabas sa mga sinehan bukid sa Mahal na Araw ay dahil na rin sa iba’t ibang streaming platform sa pangunguna ng Netflix kung saan halos lahat ng mga favorite films and series are available.

Last Easter Sunday, we were in Ayala Feliz (along Marcos Highway) and checked kung may pila sa apat (out of 8) na pelikula ng tumatakbong Metro Manila Summer Film Festival na palabas sa mga sinehan sa nasabing mall at nalungkot kami sa aming nakita dahil walang pila sa ticket counter.

Of course, ang apat na sinehan sa isang mall ay hindi basehan sa over-all performance ng mga pelikulang kalahok sa MMSFF.

Wish pa rin namin na sana’y tangkilikin ng mga manonood ang walong entries maging ang mga upcoming local movies nang unti-unti naman makabangon ang industriya ng pelikulang Pilipino which was crippled by the pandemic among other industries.

Chavit may business interest sa Korea

ChavitPic3Pic4ANG Korean heartthrob, singer-actor na si Lee Seung-gi (36) ay naging special guest ng rich and famous businessman at politician na si Luis `Chavit’ Singson sa kanyang mansion sa Narvacan, Ilocos Sur. Nagkaroon din ito ng pagkakataon na mapasyalan ang kanyang 100-hectare property sa Balauarte in Vigan, Ilocos Norte kung saan naroon ang kanyang sariling zoo, Safari Gallery at Safari Hotel and Villas maging sa ibang scenic spots in Vigan including The Heritage Park in Calle Crisologo.

Hindi pa namin natatanong ang dating gobernador ng Vigan kung isa siya sa mga special guests or principal sponsors sa recent star-studded wedding ceremony ng Korean superstar sa Korean actress na si Lee Da-in na ginanap sa Grand International Seoul Parnas Hotel in Gangnam nung nakaraang April 7, 2023.

Among the popular Korean celebrities na naispatan sa wedding ay sina Lee Dong-wook, Kim Kam-gil, Jay Park, Han Hyo-joo, Yoo Jae-suk, Yang Se-hyun, Cha Eun-woo at marami pang iba.

Former Vigan Gov. Chavit operates his own business in Gangnam na may kinalaman sa manufacturing ng modern steel and fibers at meron din siyang business partner in South Korean na konektado sa entertainment business sa nasabing bansa.

SUBSCRIBE, like and SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE