Kris

VG MARK, NIREGALUHAN SI KRIS NG CARTIER

April 10, 2023 Vinia Vivar 389 views

KrisMagkasama palang ipinagdiwang nina Kris Aquino at Batangas Vice Governor Mark Leviste ang Easter Sunday sa US. At take note, nag-shopping sila.

Base sa mga larawang lumabas sa social media, spotted sina Kris at VG Mark sa Newport Beach sa California na nagsa-shopping sa ilang stores doon with Kris’ youngest son, Bimby, and some friends.

Medyo maganda na ang hitsura ni Kris sa mga larawan compared sa nakita natin some months ago.

Sa kanyang IG Story, ibinahagi ni VG Mark ang mga photo nila habang nagsa-shopping sa Fashion Island.

Sa isang litrato ay makikitang hawak niya ang isang red Cartier bag na naglalaman umano ng regalo niya kay Kris.

Tila kagagaling lang niya sa nasabing mamahaling tindahan dahil kita rin sa larawan ang store.

Sa isang larawan naman ay makikita na ang red bag sa kamay ni Kris na tila nakikipag-video call kay VG Mark.

Nag-post din ang official fan account sa Twitter na Kris Aquino World ng mga larawan ng pagsa-shopping ng grupo nina Kris at VG Mark.

“Easter Sunday with Kris Aquino, Bimby, @markleviste and Michael Leyva,” caption ng fan page.

Nakakatuwa na sa tuwing may okasyon ay talagang sinasadya pa ni VG Mark si Kris para bisitahin ito sa Amerika.

Although sinabi na ng Queen of All Media na friends lang sila ng politiko, ang dami pa ring kinikilig sa dalawa at puring puri nila ang bise-gobernador sa pagiging sweet nito kay Kris.

AUTHOR PROFILE