TVJ

‘Magbabalik sa ere ang Eat Bulaga’

June 4, 2023 Mar Rodriguez 294 views

OFW Party List umaasa na mareresolba issue ng TVJ, TAPE

UMAASA ang One Filipinos Worldwide (OFW) Party List Group sa Kamara de Representantes na muling magbabalik sa ere ang sikat at ma-alamat na noon time show na “Eat Bulaga” ng trio na sina Tito, Vic and Joey na hindi lamang kinagigiliwan ng mga ordinaryong Pilipino bagkos maging ang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Sinabi ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino na bilang isang dating nagta-trabaho sa telebisyon sa pamamagitan ng pagiging TV Host nito. Batid umano niya ang kalungkutang nararamdaman ng mga talents, crew at productions sa pagtatapos ng isang palabas o TV show.

“Bilang isang dating nagta-trabaho sa telebisyon batid ko na ang pagtatapos ng anumang palabas ay malungkot para sa mga talents at production team, higit dito. Malungkot din para sa mga manonood na sumubaybay sa programa ng Eat Bulaga lalo na para sa ating mga OFWs.

Bukod dito, binigyang diin ni Magsino ang dobleng kalungkutan na nararamdaman ng mga taong tumangkilik sa Eat Bulaga sa loob ng napaka-habang panahon partikular na aniya ang mga OFWs mula sa iba’t-ibang panig ng mundo na tumangkilik sa nasabing noon time show at naging paraan ng kanilang dibersiyon.

Ayon kay Magsino, maaaring maraming OFWs ang kasalukuyang nalulungkot dahil sa pagtatapos ng Eat Bulaga na tinawag nitong “End of an Era”. Gayunman, optimistiko ang kongresista na muling magbabalik sa ere ang naturang noon time show para muling magbigay saya sa kanilang libo-libong tagahanga.

Sinabi pa ni Magsino na maraming OFWs ang sumubaybay at tumangkilik ng Eat Bulaga sa loob ng 44 na taon sapagkat ito ang kanilang naging libangan o dibersiyon sa bansang pinagta-trabahuhan nila para mapawi ang kanilang kalungkutan at pangungulila sa kanilang pamilya na naririto sa Pilipinas.

Dahil dito, umaasa ang OFW Party List Lady solon na agad na mare-resolba ang anumang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Tito, Vic and Joet at Tape Production para muling makabalik sa ere ang Eat Bulaga.

“Umaasa akong mabibigyan ng pagkakataon ang na makasama muli ang mga tao sa likod nito sa pamamagitan ng bagong palabas at mabigyang saya muli nila ang kanilang mga tagahangan lalo na ang mga OFWs na lumaki at nag-trabaho at nagka-pamilya nitong 44 na taon. We are hoping and praying for a resolution to this issue and an alternative ending or even a new beginning for Eat Bulaga and it original hosts,” sabi pa ni Magsino.

AUTHOR PROFILE