Default Thumbnail

Lasing na delivery rider, nag-amok gamit 20″ patalim

June 4, 2023 Jonjon Reyes 202 views

INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District- Sta.Mesa Police Station 8 ang isang 38-anyos na delivery rider makaraang magsisisigaw maghamon ng away habang may hawak na 20 pulgadang patalim, Linggo ng umaga sa Old Sta Mesa, Manila.

Nakilala ang suspek na si James Patrick Lumarque, binata, ng Reposo Street, Sta. Mesa.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Dionelle Branonn, Station Commander, nagpapatrulya sina Police Corporal Jayson Carcueva at Patrolman Aldrin Jose lulan ng motorsiklo bandang 6:10 a.m. nang mamataan ang nagwawalang suspek.

Sa pangunguna ni Police Captain Virgilio Enano, hepe ng V Mapa PCP, sinabihan ng mga otoridad ang rider na tumahimik na pero tuloy pa rin umano itong nagsisisigaw, kaya inutos kina Carcueva at Jose na dis-armahan ito at posasan

Isinailalim ang suspek sa medical checkup sa Ospital ng Sampaloc. Nahaharap ito kasong alarming scandal at paglabag sa Batas Pambansa bilang 6.

Lubos ang pasasalamat ni “The Game Changer General” MPD Chief Police Brig.Gen. Andre P. Dizon sa mga kapulisan Ng Sta. Mesa Police Station sa pamununo ni PLt.Col. Branonn sa mapayapang pag-aresto sa suspek.

AUTHOR PROFILE