Crime

MAG-LIVE IN SABAY TINODAS HABANG TULOG

May 7, 2023 Gil Aman 212 views

Anak na tulog dinedma ng gunman, ligtas

BINARIL at tinodas ng sabay ang isang lalaki at kanyang ka-live habang tulog sa kanilang bahay Sabado ng gabi sa Purok 5 Ilaya Bgy. San Jose, San Pablo City, Laguna Sabado ng gabi.

Kinilala ni San Pablo City police chief, PLT.Col. Louwie Lucas ang dalawang nasawi na sina Edgardo Dayag, 59, at live-partner na si Elain Ciolo, 25.

Ayon sa pulisya, ang anak ng nasawing babae na mahimbing ring natutulog ay hindi binaril ng suspek at ligtas.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng San Pablo Police , ang insidente ay naganap dakong 9:30 p.m.

Dead on the spot ang mag-live in.

Idinagdag pa sa report ng San Pablo na hinihinalang selos ang posibleng motibo ng gunman.

Sinabi ni P/LT Col. Lucas na medyo may kalayuan ang tinitirhang bahay ng mga nasawi na halos malapit na sa paanan ng bundok ng San Cristobal sa nasabing siyudad.

Sa kasalukuyan, ayon pa kay Lucas na patuloy ang kanilang follow up operation upang matukoy ang kinaroroonan suspek maging ang motibo sa pamamaril.

AUTHOR PROFILE