Default Thumbnail

Kamara hinikayat na i-approve Health Canteen proposal

May 7, 2023 Ryan Ponce Pacpaco 346 views

Hinikayat ngayon ni Isabela 6th District Rep. Faustino “Inno” Dy V na ikunsidira ng Kamara ang aprubal ng House Bill No. 1146 o Healthy Canteen proposal.

Layunin nitong ipagbawal ang pagbebenta ng junk food at unhealthy drinks sa mga paaralan sa bansa.

Ayon kay Rep. Dy V, pangunahing may-akda ng panukalang batas, ito ay nagbabawal sa pagbebenta o promosyon ng mga junk food at matatamis na inumin sa loob ng paaralan at sa loob ng isang daang metro mula sa perimeter ng mga pampubliko at pribadong elementarya at mataas na paaralan.

Alinsunod sa inilabas na Department Order No. 13 ng Department of Education noong 2917, nais ng Isabela Solon na siguruhing ang mga paaralan ay naglalaan ng masustansyang pagkain at inumin na makapagbibigay lamang ng positibong epekto sa kanilang katawan at kaisipan.

Samantala, hinikayat din ng mambabatas na kapulungan na pagtibayin ang House Bill No. 3606 o Ang pagsasaayos ng Cauayan District Hospital.

Isa sa mga Prayoridad ni Rep. Dy V, sinabi ng kongresista ang Cauayan District Hospital ang nagsisilbing pangunahing hospital na nagseserbisyo sa Cauayan City at sa mga karatig na bayan.

Ito rin ay naglalaan ng medical at dental missions para sa mga nangangailangan.

Naniniwala ang kongresista na magbibigay daan ang panukalang batas para madagdagan ang kapasidad ng mga kama ng ospital, maisaayos ang pasilidad at maponduhan ito sa ilalim ng General Appropriations Act.

Sa kabilang dako, iniulat ng Isabela Solon,Tagapangulo ng Special Committee on Bases Conversion na pasado na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 1215 o ang San Miguel Ecotourism Zone Act na kanyang iniakda.

Idinedeklara ng hakbangin ang Barangay San Miguel, Echague, Isabela bilang isang Ecotourism Zone.

AUTHOR PROFILE