Tansingco

MAG-ASAWA GINUTOM NA, BINILAD PA SA ARAW!

May 4, 2023 Jun I. Legaspi 273 views

Biktima ng human trafficking sa Myanmar ginawang love scammers

GINUTOM, pinahirapan at binilad sa araw sa Myanmar ang mag-asawang pinaka-latest na biktima umano ng human trafficking.

Napag-alaman ni Immigration Commissioner Norman Tansingco sa mag-asawang dumating mula sa Myanmar na pinapahirapan sila lalo na kapag hindi sila naka-quota bilang ‘love scammers.’

Napaga-alaman din ni Tansingco na kulang ang ibinayad sa mag-asawa ng kanilang mga amo.

Ayon sa mag-asawa, na-recruit sila sa social media ng isang Maxesa.

Umalis sila ng bansa noong October 2022 bilang mga bakasyonista sa Singapore.

Ibinulgar ng dalawa na tinulungan sila at ng ibang mga biktima na makaalis ng bansa ng ng isang lalaking immigration officer.

Ayon kay Tansingco, inalis na sa kanyang pwesto at kakasuhan ng administrative case ang nasabing immigration officer.

“The victims shared that from Singapore, they flew to Bangkok and were transported by armed men to Mae Sot City to eventually take a boat ride to Myanmar. The couple then managed to escape from their employers and were assisted by the Philippine Embassy in Thailand,” saad ni Tansingco.

Mahigpit naman binabalaaan ni Tansingco ang kanyang mga tauhan na huwag makisangkot sa anumang illegal activities.

“Pag wala kayong kasalanan, dedepensahan ko kayo. Pero pag nalaman kong may involvement kayo sa mga kalokohan, tatamaan ka, wala akong pakialam kahit sinong backer mo,” ani Tansingco.

AUTHOR PROFILE