Default Thumbnail

Mag-ama arestado, 13 loose arms kumpiskado

April 17, 2024 Gil Aman 98 views

ARESTADO ang mag-ama ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kasabay ng kumpiskasyon mula sa kanila ng 13 matataas na loose firearms sa isinagawang Oplan Paglalansag Omega Martes sa Antipolo City.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group PFU lead Unit Rizal ,Antipolo PNP at iba pang unit ng PNP kinilala ang dalawang arestadong suspek na sina Cesar Valdez at Zeus Valdez.

Kasong paglabag sa Republic Act 10591 ang nakatakdang isampang kaso laban sa dalawa.

Ang mag-ama ay inaresto sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Executive Judge Judge Agripino Bravo, ng RTC Fourth Judicial Regional, Lucena City.

Hinalughog ng pinagsanib na operatiba ng pulisya ang Sitio Calumpang,Bgy. San Jose, Antipolo City mula alas 8:00 ng umaga na umabot ng 9:45 ng gabi.

Kabilang sa nakumpiska ng CIDG Rizal PFU (Lead Unit) at 404th AMC RMFB PRO4A, 22SAC-2SAB PNP SAF ang isang uni ng 45 RIA, isang caliber 45 na walang serial number; dalawang caliber 22 rifle na walang serial number, isang caliber 38 Armscor 200 na may serial no. 24080; isng caliber 38 na may serial no. 976933; isang caliber 22 na walang serial number; isang caliber 22 pistol (improvised ) na walang serial number; limang caliber 38 unserviceable firearms; 85 rounds ng live ammunition para sa caliber 5.56 (M16); 27 rounds live ammunition para sa caliber 22; 25 rounds live ammunition para sa M14;24 rounds live ammunition para sa caliber 45;12 rounds live ammunition para sa caliber 25, pitong rounds ng live ammunition para sa caliber 38; anim na round ng live ammunition para sa caliber 9mm; tatlong rounds ng live ammunition para sa caliber 22 (rifle); dalawang rounds ng live ammunition para sa 12 gauge shotgun; isang round ng live ammunition para sa caliber 45 colt magnum; 30 piraso ng blank bullet para sa rifle; apat na piraso ng steel magazine para sa caliber 5.56 (M16); tatlong piraso ng steel magazine para sa caliber 45; dalawang steel magazine para sa caliber 22; at isang rifle scope.

AUTHOR PROFILE