Victory VICTORY POSE — SLetrang V bilang “victory” ang bagong naupo na halal na punong barangay ng D.S.Garcia sa Cabanatuan City si Exequiel “Wendel” Musni (panglima nakatayo mula sa kaliwa) kasama ang kanyang mga konsehales at supporters matapos makapanumpa sa puwesto nitong Martes, Abril 16, 2024. Kuha ni STEVE A. GOSUICO

Bagong Cabanatuan bgy chief nakaupo sa pwesto matapos ang 6 na buwan

April 17, 2024 Steve A. Gosuico 96 views

LUNGSOD NG CABANATUAN – Makalipas ang halos anim na buwan, pormal nang naluklok si Exequiel “Wendel” Musni bilang “duly elected barangay captain” ng Barangay D.S. Garcia dito nitong Martes.

Ito ay matapos siyang manumpa sa pwesto sa harap ni Cabanatuan City Mayor Myca Elizabeth R. Vergara sa kanyang opisina sa City Hall sa Bgy. Kapitan Pepe dito.

Nagkabisa ang panunungkulan ni Musni matapos na ang Cabanatuan City Municipal Trial Court in Cities of Branch 3 sa desisyon nito noong Marso 14, 2024, na paboran ang electoral protest case na inihain ni Musni at ipawalang-bisa ang proklamasyon sa ginanap na Oktubre 30 barangay elections kay noon ay barangay kapitan Ludovina “Ludy Luy” Salcedo.

Matapos magsagawa ng rebisyon ng mga boto ang korte, napag-alaman na nanalo si Musni sa pamamagitan ng dalawang boto laban kay Salcedo, kung saan ang una ay nakakuha ng kabuuang 1453 boto kumpara sa 1,451 ng huli.

Sa panunumpa noong Martes kay Mayor Vergara, kasama ni Musni ang kanyang dalawang abogado na sina Attys. Arnold Castro at Venus Leilani V. Granado at ang kanyang pamilya.

Sinabi ni Castro na ang motion for execution ni Musni habang nakabinbin ang apela ng karibal-protestee na si Salcedo na may petsang Abril 16, 2024 ay ipinagkaloob ng korte na nagbigay daan para sa pag-upo ni Musni sa pwesto.

Sa kanyang talumpati sa kanyang mga ka-barangay, pinasalamatan ni Musni ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga tagasuporta sa pananatili sa kanya sa buong paglalakbay niya.

“Bilang isang ama ng barangay D.S. Garcia, aakapin ko po lahat walang personalan dahil iyan ay pulitika lang kumbaga ay sports lang iyan, naging kalaban man, tayo po ay magkaisa at magmahalan,” said Musni.

AUTHOR PROFILE