Frasco1

Paghahatid ng serbisyo prayoridad ni Rep. Frasco

April 17, 2024 Mar Rodriguez 82 views

FrascoFrasco2Frasco3PINANGUNAHAN ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang pagkakaloob ng infrastructure projects para sa mamamayan ng Compostela.

Tinungo ni Frasco ang Munisipalidad ng Compostela para maghatid ng apat na infrastructure projects na nagkakahalaga ng P270 million sa kabuuan at inaasahang magbibigay ng malaking tulong para sa mga residente ng nasabing lugar lalo na sa kanilang kabuhayan at negosyo.

Sinabi ni Frasco na kabilang sa napakahalagang proyekto na kaniyang ibinigay para sa kaniyang mga kababayan sa Barangay Cabadiangan ay ang road concreting project kabilang na ang pagkakaroon ng solar streetlights na nagkakahalaga ng P77.2 million.

Pinangunahan din ni Frasco ang groundbreaking para sa ipapatayong multi-purpose building at covered court para mapakinabangan ng mga mamamayan ng Barangay Tubigan.

Nagkaroon din ng groundbreaking ceremony sa Barangay Tamiao para sa flood control project ni Frasco na nagkakahalaga ng P140 million. Namahagi rin ang kongresista ng P30,000 para sa tatlong nabanggit na barangay para sa kani-kanilang mga proyekto.

Ipinaliwanag ni Frasco na mahalaga para sa kaniya ang paghahatid ng serbisyo sa kaniyang mga kababayan sa pamamagitan ng kaniyang mga proyekto.

AUTHOR PROFILE