Lovi

Lovi nagpagupit ng buhok para sa ‘Guilty Pleasure’

April 13, 2024 Vinia Vivar 119 views

Pagkatapos gumawa ng Hollywood film, nasa Pilipinas na muli si Lovi Poe para gawin naman ang pelikulang Guilty Pleasure with JM de Guzman and Jameson Blake for Regal Films.

Mananatili umano siya sa bansa for a couple of months at okay naman ito sa mister niyang si Monty Blencowe dahil bibisitahin siya nito sa Mayo.

Maging ang asawa niya ay excited din for her para sa pelikulang ito dahil kakaiba umano ito sa iba pang mga pelikula na nagawa na niya.

Happy si Lovi na kahit may asawa na siya ay nagagawa pa rin niya ang mga bagay na gusto niyang gawin tulad ng pag-arte.

“Alam naman niya ‘yung line of work ko, there’s no need for approval, he respects my job, and then ‘yun, he’s very excited for me nga na parang for me to do this project kasi nga it’s been a while and we got to spend some time together during Christmas so, sabi ko, it’s time to get back to work,” sabi ni Lovi sa mediacon ng Guilty Pleasure kahapon.

May bago ring hairstyle ang aktres, medium length ang kanyang buhok ngayon, na sabi nga ng entertainment press ay bumagay sa kanya.

Kwento ni Lovi, ang pagpapagupit niyang ito ay may kinalaman sa papel na gagampanan niya sa Guilty Pleasure.

Medyo nakapag-adjust na rin si Lovi sa set-up nila ni Monty na back and forth siya sa US and Phiippines since nandito ang kanyang trabaho.

“Mahirap pero kung gugustuhin, magagawan naman ng paraan. I’m just very happy that I have the support of my husband who pushes me to do what I want,” aniya.

Nag-i-enjoy umano siya sa kanyang ginagawa at wala siyang reklamo.

Sa Guilty Pleasure ay ginagampanan ni Lovi ang papel na lawyer sa ilalim ng direksyon ni Connie Macatuno at panulat nina Noreen Capili at Trisha Mae Daez.

Ang nasabing pelikula ay isa sa pet projects ng producer na si Roselle Monteverde ng Regal Entertainment, Inc.

AUTHOR PROFILE