Lovely Abella and Benj Manalo

Lovely and Benj expectant parents

February 4, 2023 Aster Amoyo 434 views

ACTRESS-comedienne Lovely Abella and Benj Manalo are expecting their first child this year at natutuwa ang mag-asawa na sa wakas ay magkakaroon na rin sila ng sariling anak (as a couple) after three years of trying to have one.

Sina Lovely at Benz ay parehong may tig-isang anak sa kanilang respective previous partners, si Nathan – 13 (kay Benz) at si Crisha – 12 (kay Lovely) pero ang dalawang bata ay parehong close s aisa’t isa at parang tunay na magkapatid ang trato sa isa’t isa. Pareho ring excited ang mga ito sa kanilang magiging baby sister or brother.

It was only in 2021 nang magpakasal ang dalawa matapos ang kanilang mahabang relasyon bilang magkasintahan.

Si Benj (27) ay isa sa mga anak ng singer, actor-comedian at host na si Jose Manalo na isa sa mga longtime co-hosts ng noontime program na “Eat Bulaga”.

Si Lovely naman ay nagsimula nung 2010 bilang isa sa dancers ng dating program ani Willie Revillame, ang “Wil Time Big Time” na sinundan ng “Wowowillie” at “Wowowin” in 2016. Ito naman ang nagging daan ni Lovely na maging bahagi ng “Bubble Gang” at Sparkle Artists Center bilang actress.

Benz is 27 at 36 naman si Lovely.

AUTHOR PROFILE