Piolo Pascual

Moi Bien hindi itinuring na katulong ni Piolo

February 4, 2023 Aster Amoyo 848 views

KUNG anuman ang narrating ngayon ng actress-comedienne na si Moi Bien (Marcampo) ay tinatanaw niyang malaking utang na loob sa kanyang dating amo, ang `ultimate heartthrob’ na si Piolo Pascual na kanyang pinagsilbihan nang maraming taon kasama ang pamilya nito.

Si Moi Bien ay tubong Zamboanga at lumuwas ng Maynila para mangamuhan o magtrabaho bilang house helper.

Pumasok siyang all-around maid sa bahay ni Piolo at naging nanny din siya ng mga pamangkin nito.

Nang mag-desisyon si Piolo na magsarili, isinama niya si Moi Bien as his over-all personal assistant.

Dahil sa haba na nang pinagsamahan nina Piolo at Moi Bien, hindi na amo at empleyado ang kanilang turingan, naging close silang magkaibigan at parang pamilya na rin ang turing kay Moi Bien ng pamilya ng singer-actor.

Dahil sikat na personalidad si Piolo at parati niyang kasama si Moi Bien, may pagkakataon na kinukuha itong extra sa mga proyekto ng actor bagay na hinayaan at pinapayagan naman niya hanggang unti-unti itong makilala bilang isang actress-comedienne.

Naging very supportive si Piolo sa kanyang personal assistant hanggang dumating pa ang point na pinag-aral pa niya ito ng Culinary Arts and Personal Kitchen Management kung saan may diploma ang actress-comedian.

Halos lahat ng mga proyekto ni Piolo either sa TV o pelikula ay isinasama niya si Moi Bien at kasama na rito ang mga pelikulang pinagbidahan ni Eugene Domingo na produced ng Spring Films ni Piolo at iba niyang business partners. Pati mga TV series ng singer-actor ay kasama rin ang kanyang personal assistant. Kinukuha rin si Moi Bien sa ibang TV series tulad ng “My Binondo Girl,” “Apoy sa Dagat,” “Be Careful with My Heart” at iba pa. Naging bahagi rin siya ng “Da One That Ghost Away” at ang pinaka-latest ay palabas ngayon sa mga sinehan, ang local adaptation ng 2011 K-movie na “Spellbound” na tinampukan nina Bela Padilla at Marco Gumabao na produced ng Spring Films and Viva Films.

During the brief presscon of the movie pagkatapos ng premiere screening, inamin ni Moi Bien na wala na umano siya kay Piolo pero nananatili umano silang close.

Moi Bien who is a single parent has to take care of her only son na si Isaac na isa na ngayong teen-ager.

Sobra-sobra ang pasasalamat ni Moi Bien kay Papa P (Piolo) dahil kahit kailan ay hindi umano siya trinato nitong katulong at ito pa umano ang gumawa ng paraan na tulungan siyang mabago ang takbo ng kanyang buhay.

AUTHOR PROFILE