Lovelife, out sa biopic… ’Di ako kiss and tell — Yorme

November 26, 2021 People's Tonight 93 views

KUNTENTO ang presidentiable at mayor ng Manila na si Isko Moreno sa pagkakalahad ng kuwento ng buhay sa musical film na Yorme: The Isko Domagoso Story mula sa Saranggola Media Productions at dinirek ni Joven Tan.

“Gusto ko light lang ang dating. Pati ‘yung mga performance nina Xian Lim, McCoy de Leon at si Raikko Mateo na pumapel na batang Isko.

“Honored din ako dahil ako ang unang local movie na ipalalabas sa mga sinehan. Mabibigat ang foreign movies na kasabay ko pero hindi naman natin kayang labanan ‘yon.

“Basta ako, masaya dahil muling magbubukas sa sinehan ang local movie. Sa showbiz ako nagsimula kaya malapit sa puso ko ito.

“Alam naman ninyo na utang ko kay Kuya Germs (Moreno) ang lahat. Kumbaga, ‘yung dating basurero, eh, nagkaroon ng chance na maglingkod sa bayan.

“Magsisilbing inspirasyon ito sa mga kabataan at dapat nilang itamin sa isipan ang pagmamahal sa magulang,” paglalahad ni Yorme.

Eh, kasama ba sa kuwento ang lovelife niya?

“Hahaha! Hindi ako kiss and tell!” bulalas ni Yorme.

Sa serbisyo publiko ni Isko, off-cam talaga ang asawa niya at mga anak lalo na si Joaquin Domagoso na piniling pumasok sa showbiz.

Sa Disyembre 1 mapapanood ang Yorme na distributed ng Viva Films.

DongziaDINGDONG AT ZIA, MAGKASAMA SA ENDORSEMENT

ANG mag-amang Dingdong at Zia Dantes ang mga bagong mukha ng isang sikat na shopping app para sa December campaign nito.

Kinanta ni Zia ang bagong jingle ng brand. Makakasama rin ang mag-ama sa TV special ng brand na mapapanood sa December 12 sa GMA Network.

Patindihan talaga ng labanan ng endorsers ng dalawang sikat na shopping apps na naging mabenta nitong pandemic.

Sa kalabang shopping app, sina Alden Richards, Bea Alonzo at Maine Mendoza ang mga endorser na katapat nina Dong at Zia, huh!. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE