Reibly

Andrea, pag-iipunan ang katumbas ng mamahaling bag na iniregalo ng may-ari ng Beautederm

November 26, 2021 Vinia Vivar 86 views

Si Andrea Brillantes ang youngest member ng growing Beautederm family. Siya ang ambassador ng Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters, isang essential line ng mga health supplement na nagkaroon ng grand launch last Thursday.

Ayon sa president and CEO ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan, naisip niya na si Andrea na lang ang kulang sa kanyang mga endorser sa young ones.

Napaka-sweet daw ni Andrea at natutuwa siya sa mga post nito sa mga ini-endorse na produkto.

“Si Blythe talaga, pinopost niya na ginagamit niya, na love niya ‘yung produkto niya, at du’n ko na-appreciate ‘yung batang ‘yun,” papuri n Ms. Rhei.

Natuwa rin daw siya kay Blythe (real name ni Andrea) nang minsang bigyan niya ito ng bag at ipinost din ng aktres.

“Sa pagiging napalalaking artista niya, I didn’t expect na magpo-post siya dahil lang sa binigay kong bag na ‘yun. Considering also na ang buhay ngayon ng mga artista ay, of course, sa wall nila ay malaking halaga ang katumbas para i-post. So, na-appreciate ko talaga itong batang ito dahil binigyan ko lang ng maliit na bag, vlinog pa niya,” kwento ni Ms. Rei.

Hirit naman ni Andrea, malaki raw ang bag na ibinigay ni Ms. Rei at hindi raw maliit.

Kinilig naman ang aktres sa mga papuri sa kanya ng presidente at CEO ng Beautederm at masayang-masaya raw siya na parte na siya ng pamilya.

Ang launch ng Reiko at Kenzen Beautéderm Health Boosters ay bahagi ng ongoing 12th anniversary celebration ng Beautéderm na nagsimula nu’ng Agosto 2021 at kasabay din nito ang pagdiriwang ng kaarawan ni Ms. Rei ngayong Nobyembre.

Natanong si Andrea kung ano ang wish at gift niya for Ms. Rhea, nahihiyang sabi ng aktres na hindi raw niya kayang tumbasan ang mamahaling bag na ibinigay nito sa kanya kaya mag-iipon muna siya para mabigyan niya ito ng bonggang birthday gift.

Ang Reiko at Kenzen Beautéderm Health Boosters ay binubuo ng pitong FDA-notified at all-natural health supplements at one year daw nila itong binuo.

“My team and I have been working on Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters for over a year now at ang aking plano ay mai-launch ito in time for the 12th anniversary of the company at ng birthday ko na rin,” sabi ni Rei.

“Madaming naituro ang pandemic sa atin – that we should be grateful for all the many blessings God continues to shower to all of us, na mahalaga ang pamilya, at dapat nating alagaan ang ating kalusugan.

“We need to boost our immune system and take care of not just of our bodies but also our minds as well.

“Ang Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters ang aking maliit na contribution para siguraduhin ko na nasa tamang kalusugan ang lahat.

“I welcome Andrea to the family as she is an amazing addition to the gang. Sang-ayon ako sa kanya na kailangan nating i-maintain ang isang balanced at healthy na lifestyle.

“Ang Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters ay para sa lahat at sa wakas, matapos ang aming hard work, nandito na ito,” pahayag ni Ms. Rei.

AUTHOR PROFILE