Lopez

Lopez hiniling sa mga Manileño ikonsidera ang plataporma niya

May 7, 2022 Ryan Ponce Pacpaco 346 views

SA pinakahuling araw ng kampanya para sa May 9 elections, nanawagan si Manila mayoralty candidate Alex Lopez sa mga Manileños na ikonsidera ang kanyang inihahaing programa ng pamamahala.

Hinikayat nito ang kanyang mga kababayan na samahan siya para sa kaunlaran ng Maynila, “good governance” o honest to goodness government service at pagtulong hindi lamang sa pinakamahirap na mamamayan sa tulong ng mga negosyante ng lungsod.

Tiniyak pa ni Lopez sa mga Manileño na magsama-sama sila, katulad din ng ginawang pagsama at pagpapahayag ng suporta sa kanya ng mga taga-Tondo at ng iba’t-ibang partido pulitikal.

Kamakailan ay inendorso si Lopez ng Nacionalista Party (NP), Hugpong ng Pagbabago (HNP), Partido ng Masang Pilipino, PDP-Laban, Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan at iba pang political parties.

Samantala, ilang religious groups din ang nagpahayag na ng suporta sa kandidatura ni Lopez.

Ang mga suportang ito ang inaasahang maghahatid kay Lopez sa tagumpay sa darating na eleksyon sa Lunes.

AUTHOR PROFILE