Default Thumbnail

Lolo namatay sa gutom, ginaw, ulan sa bangketa

September 4, 2022 Edd Reyes 374 views

WALA ng buhay nang madiskubre ng opisyal ng barangay ang isang hubo’t-hubad na matanda na nakahiga sa gilid ng bangketa Sabado ng umaga sa Navotas City.

Kaagad na ipinabatid sa pulisya ni Christian Nunez, 44, barangay secretary ng Brgy. San Jose ang natuklasang bangkay ng matanda na kilala lamang sa alyas “Dodong” at umano’y dating naninirahan sa Bagong Silang sa naturan ding barangay.

Sa pahayag ni Nunez kay P/SSgt. Joseph Provido ng Navotas police homicide section, nakatanggap siya ng tawag sa tanggapan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco hinggil sa impormasyong ibinahagi ng isang concerned citizen kaugnay sa kaawa-awang kalagayan ng isang matanda na ginawang tulugan ang gilid ng bangketa.

Nang puntahan ni Nunez ang sinasabing lugar, dito niya nakita ang halos buto’t-balat at walang saplot na anuman sa katawan ng matanda na wala ng buhay.

Hinihinalang dumanas ng matinding gutom at ginaw ang matanda na naging sanhi ng kanyang pagkamatay lalu na’t walang tigil ang malakas na buhos ng ulan sa naturang lugar.

AUTHOR PROFILE