Default Thumbnail

LOLO NAGNAKAW DAHIL SA GUTOM

February 28, 2023 Melnie Ragasa-limena 318 views

PARA lang po sa pagkain. Gutom na gutom na po ako.”

 

Ito ang nasambit ng 61-anyos na basurero matapos umanong nagtangkang tangayin ang bisikleta na naispatan niya sa loob ng gate ng isang tahanan sa Quezon City, Lunes ng gabi.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD), Kamuning Police Station 10, bandang 9:45 p.m. (February 27), nang maganap ang insidente sa 114 Sct. Chuatoco St., Brgy. Roxas, Quezon City.

Batay sa pahayag ng biktimang si John Marc Galorport, 27, binata, government employee, nang marinig niya na tumatahol ang kaniyang aso ay lumabas siya ng bahay at nagtaka kung bakit bukas ang gate.

Nang tingnan ang paligid ay nakita niya ang matanda na hawak na ang kaniyang bisekleta at tila tangkang nakawin kaya sinabihan niya ito na lumabas pero sinabi ng suspek na, “Para lang po sa pagkain. Si gutom na gutom na po ako.”

Dahil dito ay nagpasaklolo na ang binata sa mga opisyal ng kanilang barangay at dinakip ang lolo.

Inihahanda na ang kasong attempted robbery laban sa suspek.