Default Thumbnail

Like father, like son hanggang kulungan!

February 28, 2023 Melnie Ragasa-limena 496 views

DALAWANG pares ng mag-ama ang nagmistulang ‘like father, like son hanggang kulungan’ matapos maaresto dahil nakumpiskahan ng illegal na droga sa magkahiwalay na operasyon sa Quezon City at Maynila.

Aabot sa P1.02 million ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska sa mag amang Dexter Bato, 46, at Dexter Jr., 26, matapos maaresto sa isang buy-bust operation sa kanto ng Piedad street at EDSA Barangay Immaculate Concepcion bandang 10 p.m., ayon sa ulat ng Kamuning Police Station 10.

Iniabot umano ng mga suspek ang isang pakete na may lamang shabu sa isang pulis na nagppanggap na buyer.

Agad na inaresto ang mag-ama matapos na tanggapin ang P240,000 na marked money.

Nakumpiska ang 150 grams ng pinaghihinalaang shabu, isang cell phone at isang motorsiklo mula sa mga suspek.

Nahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o the Comprehensive Dangerous Drugs Act

Samantala, kulungan ang kinahantungan ng mag-ama na nagbebenta umano ng illegal na droga, matapos maaresto ng mga operatiba sa isinagawang buy-bust operation sa South Drive sa panulukan ng Roxas Boulevard, Ermita, Manila Lunes ng gabi.

Nakilala ang mag-amang sina Mang Randy, 44, at si Andy, 24, binata, miyembro ng Sputnik Gang at kapwa residente ng Antipolo Street, Sta.Cruz,Maynila.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, Commander ng Manila Police District- Ermita Police Station 5 , bandang 11:30 p.m. nang isagawa ang drug operation kaugnay sa bentahan ng droga sa nasabing lugar.

Naunang nakipag-transaksyon si Andy kasama ang kanyang ama na siya namang may hawak ng plastic na may lamang hinihinalang ipinagbabawal na gamot sa mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ni Police Lt.Col.Gutierrez..

Sa pamumuno ni Police Major Pidencio Saballo Jr., hepe ng SDEU, kasama ang ilan niyang mga tauhan, inilatag ang operasyon at isa sa mga tauhan nito ang nagpanggap na bibili ng droga sa mag ama gamit ang buy bust money.

Nang-magpositibo ang operasyon ay sumulpot ang mga kapulisan at agad na dinamba ang mga suspek.

Kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 ang mag ama,.

Nag paabot naman ng pagbati si “The Game Changer General” MPD Director PBGen. Andre P. Dizon sa kanyang mga kapulisan dahil sa matagumpay nilang mga operasyon kaugnay sa ipinagbabawal na gamot kung saan mahigpit na pinapairal ang Programa ng Butihing heneral na SACLEO at Oplan Galugad laban sa mga kriminal. Nina MELNIE RAGASA-JIMENA & JON-JON C. REYES