Lolo, 74, tumalon mula 20th floor ng condo, dedo

July 26, 2021 Melnie Ragasa-limena 76 views

NASAWI ang isang 74-anyos na lolo makaraang magpatiwakal umano sa pamamagitan nang pagtalon mula sa ika-20 palapag ng tinitirhang condominiums sa Cubao, Quezon City, nitong Lunes ng madaling araw.

Ang biktima ay naninirahan sa penthouse ng isang condominium sa Bgy. Valencia, Cubao, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas- 8:26 ng umaga (July 26), nang maganap ang insidente sa Penthouse, sa ika-20 palapag ng nasabing residential building.

Batay sa pahayag ng isang saksi at residente rin sa nasabing lugar, naghahanda umano sila ng kaniyang 10-anyos na anak para sa zoom class habang ang kanilang kasambahay naman ay abala sa mga gawain nang makita nila ang biktima na lumabas sa unit nito.

Nagulantang na lamang sila nang biglang tumalon ang matanda mula sa nasabing palapag.

Nabatid na halos 10 taon nang dumaranas ng depresyon ang matanda at makailang ulit na rin umano itong nagtangkang magpakamatay.