Loisa nagpatayo muna ng bahay bago magpakasal kay Ronnie

February 23, 2023 Aster Amoyo 460 views

Loisa1Loisa2NATUTUWA kami sa mga young stars na pina-priotize ang pagkakaroon ng sariling bahay kaysa ibang luho.

Young singer-actress and ex-PBB teen housemate Loisa Andalio was able to invest on her first house for her family when she was 19 and five years in showbiz.

Sa loob ng 19 years ay nakikitira lamang si Loisa at ang kanyang pamilya. Kaya nung kaya na niyang bumili ng sarili nilang bahay ay ito ang inuna niya.

Loisa was in a relationship with young actor Joshua Garcia na naging kasama niya sa PBB: All In. They started as a loveteam paglabas nila ng Bahay ni Kuya. Pero sa kalaunan ay napunta si Joshua kay Julia Barretto na hindi lamang niya naka-loveteam kundi naging kasintahan pa until their break-up in 2019.

Si Loisa naman is now in a long relationship with young actor and former Hashtags member at kanyang ka-loveteam na si Ronnie Alonte. They even co-starred in their own TV series, ang “Love in 40 Days” which was shown in 2022.

Loisa and Ronnie are also business partners sa ilang coffee shops na kanilang itinayo.

Cast ng ‘Unbreak My Heart,’ masaya sa Switzerland

JodiJoshuaRichardPic2MASAYA ang bumubuo ng cast at production ng TV series na “Unbreak My Heart” na sina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Joshua Garcia and Gabbi Garcia sa kanilang Switzerland taping or shoot ng serye na maituturing na makasaysayang kolaborasyon sa pagitan ng ABS-CBN, GMA at Viu Philippines. Magkatulong na pinamamahalaan ito nina Manny Palo at Dolly Dulu and line produced ng Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal.

Although malamig ang klima doon dahil winter pa, everyone is adjusting to the weather at kapag may pagkakataon ay nakakapamasyal sila roon.

Sa apat na lead cast, si Richard ang pinakamasaya dahil kasama nito sa Switzerland ang kanyang pamilya – his wife na si Melody at dalawang anak na sina Ashley at Dylan.

Kasama rin sa cast ang actress na naka-base na ngayon sa Switzerland na si Dionne Monsanto with her Swiss husband na si Ryan Stalder and daughter na isinilang nung April 18, 2022. Also in the cast are Eula Valdez, Laurice Guillen, Bianca de Vera, Nikki Valdez, Maey Bautista, Jeremiah Lisbo, Sunshine Cruz, Victor Neri, Gardo Verzosa, PJ Endrinal, Mark Rivera and Will Ashley.

Although wala pang playdate ang “Unbreak My Heart,” definitely ito’y ipapalabas this year sa GMA and in 15 territories including the Philippines.

Gabbi at Khalil nag-celebrate muna bago naghiwalay

GabbiBAGO lumipad patunong Switzerland ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia para sa taping ng “Unbreak My Heart,” nag-celebrate muna sila ng nobyong singer-actor na si Khalil Ramos (na isa ring Kapuso) ng kanilang 6th anniversary bilang magkasintahan. Ito’y ginanap sa restaurant where they also celebrated their first anniversary.

Sina Khalil at Gabbi ay nagkakilalasa debut party ni Julia Barretto nung March 2015 but only started dating in 2017.

Nagbatian na lamang ang dalawa sa kanilang actual anniversary date sa kanilang respective IG accounts.

“@gabbi and I did not only only celebrate Valentine’s Day but also our 6th anniversary together. We always celebrated it at the same restaurant where we had our first date back in o2/22/17. Hay, time flies. I love you bebu!! (heart emoji).

Ito’y sinagot naman ni Gabbi.

“6 years with you (heart emoji) ily always & forever.”

Rabiya handa nang magpakasal kay Jeric

RabiyaKUNG matatandaan, it was in March 2022 nang maging magkasintahan ang dating beauty queen-turned Kapuso actress-host si Rabiya Mateo at Kapuso actor na si Jeric Gonzales. Pero three months later ay nagkahiwalay ang dalawa dahil sa misunderstanding. Pero mukhang para sa isa’t isa ang dalawa dahil muli silang nagkabalikan kamakailan lamang.

Sa recent interview ni Rabiya sa “Fast Talk with Boy Abunda,” inamin ng dating beauty queen na handa na umano siyang mag-asawa at magkaroon ng sariling pamilya, that is kung siya’y yayakagin ng boyfriend (Jeric) na magpakasal. Jeric is 30 years old habang 26 naman si Rabiya.

Bago naging beauty queen ay niyaya na umano siyang magpakasal ng kanyang non-showbiz ex-boyfriend na si Neil Salvacion pero at that time ay hindi pa umano siya handa. Mas priority niya noon ang kanyang pamilya.

Sunshine inihabilin ang mga anak kay Cesar bago umalis

SunshineDREAM come true para sa singer-actress nasi Sunshine Cruz na mapasama sa special series na “Unbreak My Heart” na first collaboration ng GMA, ABS-CBN and Viu. Kasama si Sunshine na lumipad patungong Switzerland kung saan ang shooting.

Ipinagbilin muna ni Sunshine sa kanyang ex-husband na si Cesar Montano ang kanilang tatlong Maria na sina Angelina, Sam at Cheska.

It was last year nang maging magkaibigang muli ang dating mag-asawa maging ang present partner ngayon ng actor-director na si Kat Angeles pati ang tatlo nilang anak.

Sina Sunshine at Cesar ay nagkahiwalay nung 2013 at na-annul ang kanilang marriage in 2018.

AUTHOR PROFILE