David

David, bet makatrabaho ang KathNiel

February 23, 2023 Vinia Vivar 251 views

Kung mabibigyan ng pagkakataon, nais palang makatrabaho ng Pambansang Ginoo na si David Licauco ang Kapamilya star si Kathryn Bernardo.

Ayon sa ka-loveteam ni Barbie Forteza nang makatsikahan namin sa ginanap na media event ng BlueWater Day Spa last Friday, Feb 17, big fan siya ng ng KathNiel (Kathryn and Daniel Padilla) loveteam.

“I would love to work with Kathryn Bernardo ‘coz I’m a big KathNiel fan and growing up, sila talaga ‘yung pinapanood ko. Kinikilig ako sa sinehan kasama ‘yung family ko or friends and mga girlfriend ko before,” sey ni David.

At siyempre, kahit si Daniel ay gusto rin niyang makatrabaho.

“Kahit silang dalawa,” nakangiti niyang turan.

David was formally introduced last Friday as one of the ambassadors of BlueWater Day Spa together with Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez.

Undoubtedly, si David na nga ang isa sa hottest heartthrobs natin ngayon. Sunud-sunod ang projects at endorsements niya all thanks to Maria Clara at Ibarra dahil dito nga nagsimula ang lahat nang mag-click ang loveteam nila ni Barbie.

Honest naman ang aktor na talagang ramdam na ramdam niya ang difference sa career niya ngayon at noong wala pang Maria Clara at Ibarra.

Kung dati raw ay nakakagala pa siya sa mga mall nang hindi siya nakikilala, ngayon ay medyo mahirap na niyang magawa ito.

“I won’t receive these endorsements if it weren’t for Maria Clara, ‘di ba? So, kung tinatanong n’yo ‘yung big change, yeah, it’s quite big and it’s overwhelming but at the same time, you just have to stay grateful kasi hindi naman lahat ng tao, nabibigyan ng ganitong oportunidad.

“So kahit minsan, mahirap na’t nakakapagod, kumbaga, kailangan mo na lang ding isipin na kailangan kong maging grateful kasi dati, pinangarap ko ‘to, eh,” aniya.

And good news sa FiLay fans dahil ibinalita ni David na may gagawin silang bagong teleserye ni Barbie at isang pelikula.

Samantala, bukod kina David at Tracy, BlueWater Day Spa also introduced Miss World Philippines 2022 Gwendolyne Fourniol, Miss Supranational 2022 Alison Black, Miss Eco Philippines 2022 Ashley Subijano Montenegro, Reina Hispanoamericana Filipinas 2022 Ingrid Santamaria, and Miss Eco Teen International 2022 1st runner-up Beatriz Mcleland as new endorsers.

AUTHOR PROFILE