Lindsay

Lindsay nagpakasal muli

May 10, 2022 Aster Amoyo 975 views

SEMI-retired singer-actress and young widower Lindsay Custodio gave herself another chance at love when she married (for the second time) her non-showbiz fiancé Frederick Cale the other Sunday, May 1, 2022 in an intimate civil wedding ceremony officiated by Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi in Muntinlupa City. Reception followed at the grand ballroom of Palms Country Club in Alabang, Muntinlupa.

OPM icon Jose Mari Chan was among the principal sponsors. Dumalo rin sa nasabing okasyon ang mga longtime friends ng singer-actress na sina Roselle Nava at ang mag-asawang Jan Marini and Gerard Pizarras, among other.

Lindsay’s late husband, former Tanauan Vice-Mayor Julius Caesar Platon II died in a car accident on November 19, 2018 with whom she has two children, ang 20-year-old na si Sean Christopher at si Charisse (16).

Lindsay married her first husband na si Julius twice in 2000. Una sa isang civil wedding nung December 10, 2000 na sinundan ng church wedding nung December 19,2000 sa San Sebastian Church in Manila with reception held at the Manila Hotel. Her late husband proposed to her on his 25th birthday at 22 naman noon ang singer-actress. After they got married ay huminto na siya sa kanyang showbiz career

The 43 year-old singer-actress started her showbiz career in 1991. Siya’y naging bahagi ng Star Circle (now Star Magic) ng ABS-CBN. Ang kanyang unang TV show ay ang youth-oriented program na “Ang TV”. Naging bahagi rin siya ng top-rating and long-running comedy show na “Palibhasa Lalake” sa loob ng dalawang taon (1994-1996).

Nakagawa rin siya noon ng ilang pelikula tulad ng “Hataw Na” dance film, “Ang TV: The Adarna Adventure,” “Kristo,” “D’Sisters: Masters of Nuns,” “Desperado: Bahala Na Ang Nasa Itaas,” “Di Ko Kayang Tanggapin,” at “Eto Na Naman Ako”. Naging bahagi rin siya noon ng youth-oriented program ng GMA, ang “T.G.I.S.” Nakagawa rin siya ng dalawang albums under Star Records (now Star Music), ang “My First” and “Horizons”.

Masaya ang dalawang anak ni Lindsay for their mom na muling nakatagpo ng bagong mamahalin matapos sumakabilang-buhay ang kanilang ama nung November 2018.

ThylaneThylane1Thylane2

Thylane bininyagan na

ISA nang ganap na Kristiyano ang more than two-year-old daughter ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico na si Thylane Katana matapos itong binyagan sa isang catholic church last Saturday, May 7 na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan. Namataan doon ang sister-in-law ni Solenn na si Anne Curtis, her husband Erwan Heussaff and their two-year-old daughter na si Dahlia Amelie, two months younger kay Thylane who was born on January 1, 2020.

Ang magpinsang Thylane at Dahlia ay parehong jet-setters dahil parati silang bitbit ng kanilang respective parents sa kanilang travels aboard.

Two years old na ang baby pero wala pang kasal

MAHIGIT two years old na ang first baby ng Kapamilya actress na si Sofia Andres na si Zoe sa kanyang non-showbiz partner na si Daniel Lhuillier Miranda na isang international car race driver pero hanggang ngayon ay wala pa rin sa kanilang plano ang pagpapakasal. Ang mahalaga sa dalawa ay pareho nilang ini-enjoy ang pagiging hands-on parents kay Zoe who will be turning three on November 24. Si Zoe ay isinilang sa Australia nung November 24, 2019.

Sa kabila ng pagiging ina ng young actress na si Sofia, pinapayagan pa rin siya ng kanyang partner na si Daniel na ipagpatuloy ang kanyang showbiz career. Siya’y huling napanood sa hit primetime TV series ng Kapamilya channel, ang “La Vida Lena” na pinagbidahan ni Erich Gonzales na kamakailan lamang ikinasal sa kanyang longtime boyfriend, ang young businessman na si Mateo Rafael Lorenzo.

Buboy espesyal pa rin ang ex-wife

SA kabila na halos apat na taon nang hiwalay ang dating child actor na si Buboy Villar sa kanyang ex-partner at ina ng dalawa nilang anak na si Angeline Gorens, nananatili pa rin itong espesyal sa actor.

Sina Buboy at Angilyn ay may dalawang anak na sina Vlanz at George na kasalukuyang nasa America sa pangangalaga ng kanilang ina dahil inaasikaso roon ang kanilang citizenship.

Si Angilyn ay isang American at gusto niyang maging American citizen din ang mga bata kaya kinuha niya ang mga ito.

Sa kabila ng paghihiwalay nina Buboy at Angilyn ay nanatili ang pagkakaibigan ng mga ito dahil na rin sa kanilang dalawang anak.

Bumalik ng Amerika si Angilyn para mag-trabaho habang naiwan naman sa Pilipinas ang actor at vlogger.

Dennis, Dingdong at Richard pinuri ang kanilang mga misis

HINDI nagpabaya ang Kapuso singer-actor na si Dennis Trillo sa pagbati ng “Happy Mother’s Day” sa kanyang wife, ang kanyang kapwa Kapuso, ang singer-actress na si Jennylyn Mercado who gave birth to their first baby, a baby girl last April 25 via Caesarian section.

“Araw mo ngayon mahal ko. Gusto ko lang sabihin na napaka-swerte ng anak natin na ikaw ang Mama niya. Deserving ka talaga na magkaroon ng isa pang napakagandang anak na kamukha mo.

“Salamat sa lahat ng hirap at sakripisyo mo, alam kong hindi naging madali. Saludo ako sa `yo at sa lahat ng mga nanay na kagaya mo…

“Kaya ni-nirerespeto, pinapahalagahan at mahal na mahal kita. Happy Mothers Day! I love you! (with heart emoji),” post ng singer-actor sa kanyang Instagram account last Sunday, Mother’s Day.

Samantala, nag-post din sa kanyang Instagram account ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ng kanyang pagbati ng Happy Mother’s Day sa kanyang misis, ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera kasama ang picture nilang mag-asawa with their two kids na sina Zia at Ziggy.

“Ang reyna ng aming tahanan. Happy Mother’s Day, Love.” Na sinagot naman ni Marian ng: “Love you mahal. Salamat sa walang hanggang pagmamahal (with heart emoji).”

Bukod kina Dennis at Dingdong, hindi rin nagpahuli si Richard Gutierrez ng pagbati ng “Happy Mother’s Day” sa kanyang wife at ina ng kanilang dalawang anak na si Sarah Lahbati.

“Happy Mother’s Day to my woman. Thank you for everything that you do for our family and for consistently holding down the fort. We appreciate you my love.” Sinagot din ito ni Sarah ng “Wouldn’t be able to do everything without you by my side, my love.”

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE