Default Thumbnail

LGUs ang nakaaalam ng sitwasyon

August 1, 2021 Vic Reyes 394 views

Vic ReyesGRABE ang pandemyang nagpapahirap ngayon sa buong mundo.

Hindi tuloy makaporma ang ekonomiya ng halos lahat ng bansa dahil sa banta ng mga bagong variant ng COVID-19.

Mas deadly kasi at madaling makahawa ang mga bagong variant.

Dito sa atin, napipilitan tuloy ang mga otoridad na maghigpit muli.

Walang magagawa ang gobyerno dahil buhay ng taumbayan ang nakataya dito.

Aaanhin mo nga naman ang masiglang ekonomiya kung marami naman ang mamamatay.

Ang nangyayari ay pabalik-balik na lang tayo sa mas mahigpit na quarantine classification.

Nahihilo na ang taumbayan, lalo na ang mga biyahero sa iba’t ibang patakaran ng mga LGU.

Saganang atin, tama naman ito dahil ang mga LGU ang nakaaalam nang sitwasyon sa kani-kanilang lugar.

Ang kawawa nga lang ay ang travelling public.

****

Kapag natapos ang ECQ na ipatutupad ng gobyerno, kailangang makagawa na ng pamamaraan upang maibalik ang face-to-face classes sa ilang kurso.

Okay lang ang blended learning sa kindergarten, elementarya at haiskul.

Pero hindi puwede sa mga kursong kagaya ng midwifery, nursing, dentistry at medicine.

Kailangan ng mga estudyante na matutunan ang aktwal na pagsagip ng buhay.

Iba ang nababasa mo lang kung ang pag-uusapan ay buhay.

Kung magtatagal pa ang nararanasang pandemya kailangang makagawa ng kongkretong hakbang ang kinauukulan upang mai-address ang problema

Win-win solusyon ang dapat dito.

Naniniwala tayo na kaya ng mga concerned na otoridad ito.

Sa tingin natin, magagawan ito ng paraan na walang mapapahamak at hindi maisasakripisyo ang kalidad ng mga graduate.

Tama ba, Senador Bong Go?

***

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa ang pagkapanalo ni Hidilyn Diaz ng unang medalyang ginto ng Pilipinas sa Olympics.

Pero sana maging daan ito para magkaroon na ng pagkakaisa ang taumbayan.

Ang darating na eleksyon sa Mayo 9, 2022 ay hindi dahilan ng pagkawatak-watak natin.

Pabayaan natin ang mga botante na pumili ng gusto nilang maluklok sa puwesto.

Ang mga matatalo ay magkakaroon ng mahalagang papel.

Sila ang magiging fiscalizer ng mga mananalong kandidato.

Sandali lang ang tatlo o anim na taon.

Walang dahilan para tayo’y magkawatak-watak.

AUTHOR PROFILE