Dabarkads

Legalities ng ‘Eat Bulaga,’ ipinaglalaban ng TVJ

June 21, 2023 Jun Nardo 429 views

NABUO ang TVJ Productions ngayong nasa TV5 na ang Tito, Vic and Joey.

Ayon sa TV5 boss na si Manny V. Pangilinan, hindi lang content creators ang TVJ at Dabarkads kundi magiging co-owners ng creations nila.

Much welcome ang TVJ sa TV5. Pero wala pa silang inilabas na title ng magiging show nila simula sa July 1.

Ayon kay Tito Sotto, may legalities pa silang ipinaglalaban.

Para naman kay Vic Sotto, “You could just imagine, after 44 years, minahal mo, ako, more than half of my life. Pagka-absent ako sa Eat Bulaga, may kulang sa buhay ko. Tapos, kukunin lang ng kung sinu-sino?”

Dagdag niya, “Hindi papayag si MVP!”

Hirit naman ni Joey, “Minsan hindi ko alam kailan magseseryoso. Seryoso ako doon. Nu’ng unang magkagulo, ang sinasabi ko kay Tito, ‘Hindi ka ba natatawa? Kung kailan tayo tumanda, doon tayo pinag-usapan?

“Nakakaaliw! Halu-haluin mo pakiramdam ko. Ako, gusto ko dumami ang istasyon para maging record. Ngayon, tinatanong mo ang title, Jun. Puwede ko ring ibalik sa original, eh. ‘Yung IT. It Bulaga.

“Sabi ng misis ko, ano ang meaning nu’n, eh, maganda na nga ang Eto Ang Totoo (EAT). Gusto ko It It pa, eh. Hindi bastos. Ang meaning ang It It, Isang Thousand Isang Tuwa. Nahirapan lang ako sa libo kaya thousand ang ginamit ko.

“Pero It It Bulaga. ‘Yun lang. Patawa kasi, hahaha!”

Kaya simula sa July 1, bakbakan na ang TVJ show sa TV5, ang It’s Showtime sa GTV at ang bagong Eat Bulaga sa GMA.

AUTHOR PROFILE