Default Thumbnail

Leader ng Indigenous Affairs ng BARMM patay sa pamamaril

December 21, 2022 Zaida I. Delos Reyes 241 views

PATAY ang leader ng Ministry of Indigenous Peoples Affairs (MIPA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspect sa Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si Jocelyn Samar Palao, 52, miyembro ng Teduray tribe at residente nf South Upo, Maguindanao del Sur.

Batay sa inisyal na ulat na nakarating sa Camp Crame ang insidente ay naganap dakong 5:30 p.m. sa Barangay Rosary Heights XI, Cotabato City.

Ayon sa ulat, lulan ang biktima at ng dalawa nitong kasamahan ng issang van pauwi sa kanilang tahanan nang pagbabarilin sila ng isa sa mga suspect na lulan ng motorsiklo.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspect habang nasawi naman ang biktima.

Ligtas naman ang kasamahan ng biktima na nakilalang sina Jimmy Benito at Nurudin Zacaria,

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang motibo ng krimen at maaresto ang nasa likod ng pagpatay.