inton

LCSP pumapalag sa SB 2094

July 10, 2021 Jun I. Legaspi 539 views

KATAKUT-TAKOT na red tape ang panukala ng Senate Bill 2094!.

Ito ang apprehension ng commuter at transport advocate na si Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) at mga kaalyadong grupo sa buong bansa oras na maging batas ang proposed SB 2064.

Sa isang interview, ipinunto ni Inton na hindi kasama sa proposed bill ang public transport bilang public utility.

Paliwanag ni Inton sa mga ka-transport at mga kaalyadong grupo sa buong bansa ang problema oras na maging batas na ang nasabing bill.

Kung gusto mong pumasok sa transport ay dadaan ka sa processing ng butas ng karayom dahil sabi sa proposed bill, “the National Economic and Development Authority (NEDA) through its Board, in consultation with the Philippine Competition Commission (PCC) and the Concerned Administrative Agencies may recommend to Congress the classification of a public utility on the basis of the following criteria”.

Ibig sabihin, bago makasa ang public transport bilang public utility ay yan ang processing at may criteria pa. Ngayon nga lang yung kumukuha ng franchises hirap na hirap na! Idadaan mo pa sa maraming agencies kung dapat ba public utility ang transport,” saad ni Inton.

Ayon kay Inton ang LCSP at iba pang mga kaalyadong transport at commuter groups ay hindi sang-ayon sa proposal dahil kapag naging mataas ito ay tiyak na maaapektuhan ang libo-libong mga ordinary drivers, operators at iba pang mga umaasa sa transportation tulad ng mga trucks, uv express, at vans.

Nanawagan at umaasa ang commuter at transport groups na pakikinggan ang kanilang tinig ng mga kinauukulan tungkol sa SB 2094.

AUTHOR PROFILE