Inton

Transport, commuter groups tutol sa SB 2094 — Inton

July 6, 2021 Jun I. Legaspi 838 views

NANGANGAMBA ang commuter at transport groups na mawalan ng trabaho oras na maging batas ang proposed Senate Bill 2094 o An Act Amending the Public Service Act.

Ito ang ibinunyag ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) at mga kaalyadong grupo sa transport industry matapos mapaulat na posibleng tuluyan ng maging batas ang SB 2094.

Paliwanag ni Inton oras na maging batas na ang SB 2094 malaya ng magmayari ang isang foreigner ng entities.

“Ito yung kinatatakutang effect ng transport sector dahil posibleng pasukin ang transport industry ng mga foreigner dahil nga malaya na silang magmayari 100%,” ani Inton.

Paliwanag pa ni Inton kapag naging batas na ang SB 2094 posibleng rin mabago ang constitution ng ating bansa dahil lang sa simpleng batas.

Ayon pa kay Inton kasama nya ang mga kaalyadong grupo sa commutersat transport groups, tulad truckers, TNVS, jeepneys. taxi, bus at tatlong gulong o tricycle na maigting nilang tinututulan ang nasabing proposed SB 2094.

Nagsasagawa na rin ang grupo para sa kanilang legal move at aksyon para tutulan at ipakita ang pagkakaisa ng lahat ng transport at commuter group para tutulan ang naturang proposal, saad ni Inton.

“Hindi biro biro ito napakalaking epekto nito sa mga libo-libong driver, operators at mga pamilya ng mga eto at maging sa publiko,” saad ni Inton.

AUTHOR PROFILE