LTO Makikita sa litrato ang mga empleyado ng LTO-NCR-West sa iba’t-ibang mga district offices at LTO On-Wheels sa PTIX Paranaque City sa initial car renewal of registration ng agency noong Sabado, July 10 2021. Photo courtesy ng LTO-NCR-West

Kotse rehistro pwede na tuwing Sabado

July 11, 2021 Jun I. Legaspi 1949 views

CAR owners pwede nang magparehistro tuwing Sabado sa mga district offices ng Land Transportation Office (LTO) sa Metro Manila.

Ito ang inihayag sa interview ni Atty. Clarence V. Guinto, director ng LTO-NCR-West matapos ang isinagawang matagumpay na initial registration noong Sabado, July 10,2021.

Ayon kay Guinto, magpapatuloy ang Saturday renewal of registration ng mga vehicles except tuwing 3rd Saturday of the month upang bigyan daan ang maintenance checkup ng mga computer equipments para sa mas mabilis ng processing ng mga renewal ng mga sasakyan sa agency.

Sa first Saturday operations, may kabuuang 442 na mga light vehicles at 182 motorcycles ang naireistro ng LTO-NCR-West at ang LTO On-Wheels na ginawa sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PTIX) sa Paranaque City.

“Ang Saturday operations ng mga district offices ng agency tuwing Sabado ay inilaan para sa mga car owners na hindi makapag absent sa kanilang mga opisina at para ma de-clog ang mga bultong mga nagpaparehistro ng kanilang mga sasakyan sa mga district offices sa regular day,” ani Guinto.

Isang paraan din ng programa ang pagsunod sa healthy protocol na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) upang mapangalagaan ang kalusagan ng mga employees at mga clients ng agency.

Pinunto pa ni Guinto na malaking tulong din ang naibibigay na operations ng LTO On-Wheels tulad ng Operations na ginawa sa PTIX sa cooperations ng management.

Ayon kay Guinto, ang Saturday car renewal of registration ng agency ay magpapatuloy hanggang wala silang announcement na itigil na ito, kayat hinikayat nito ang publiko na bumisita lamang sa kanilang mga district offices.

AUTHOR PROFILE