Posas

Lalaki timbog sa baril, droga

April 15, 2024 Jojo C. Magsombol 75 views

KAMPO MAJOR HENERAL LICERIO I. GERONIMO, Taytay, Rizal–Nasakote ang isang drug suspek na may dala pang boga sa Dumpsite, Highway 2000 sa Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.

Nahuli ang suspek sa Anti-Criminality Operations ng Drug Enforcement Team (DET) at intel operatives ng Taytay police dakong alas-7:20 ng gabi na nagresulta sa pagkaka-aresto sa suspek na si alyas Daniel Liit.

Narekober sa suspek ang tatlong plastic sachets na may 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000, 22 caliber pistol, 10 bala, coin purse at bet/pot money.

AUTHOR PROFILE