Default Thumbnail

Grocery owner, 65, tigok sa holdaper

April 16, 2024 Gil Aman 77 views

PATAY ang 65-anyos na may-ari ng grocery at sugatan ang pamangkin nito ng holdapin at barilin ng dalawang suspek noong Lunes sa Brgy. Mendiola, Siniloaan, Laguna. \

Sa report ni P/Major Robin Martin, hepe ng Siniloan police kay Laguna OIC Provincial Director P/Col. Gauvin Mel Unos, natangay ang P200,000 na dala ng nasawing biktima na si Lydia Susondoncillio Platero.

Idineklarang dead-on-arrival sa Gen. Cailles Hospital ang negosyante dahil sa tama ng bala sa katawan.

Si Platero ang mayari ng isang wholesale grocery sa Siniloan Public Market, ayon sa mga pulis.

Dalawang bala sa kamay at paa ang tinamo ni Jay-Ar Susondoncillo Platero na ginagamot din sa Gen. Cailles Hospital.

Base sa imbistigasyon ng Siniloan police, dakong alas-6:30 ng gabi ng maganap ang pananambang at panghoholdap sa dalawang suspek.

Habang nasa biyahe ang dalawa, biglang sumulpot ang mga suspek sakay ng motorsiklo at sapilitang kinuha ang bitbit na pera pero tumanging ibigay ng nasawi kaya binaril ng apat na beses.

Tumakas ang mga suspek sa hindi mabatid na lugar.

AUTHOR PROFILE