Lalaki nagbigti dahil sa ‘depresyon’ sa Tondo

September 12, 2022 Jonjon Reyes 269 views

DEPRESYON umano ang sinasabing nagtulak upang wakasan ang sariling buhay ng isang 24-anyos na may sakit diumano sa pag-iisip, makaraang madiskubreng wala nang buhay sa isang abandonadong unit sa Katuparan Village, Vitas Tondo, iniulat ng pulisya.

Base sa ulat na isinumiti ni Det. Sir Christian Joseph Pineda kay Police Lieutenant Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, bandang 5:00 ng hapon, nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa nasabing lugar sa Tondo, Maynila.

Ayon sa babaeng kapatid ng biktima, huling nakitang buhay ang biktima ng bandang 2:00 ng hapon na walang damit pang-itaas at palakad-lakad lamang sa kanilang bahay.

Ilang sandali pa lamang ang nakakaraan, nang humingi ito ng pagkain.

Hanggang sa madiskubre na itong patay habang nakabigti gamit ang kulay asul na lubid na nakatali sa kanyang leeg na isinabit sa kisame.

Gayunman ang bangkay ay pansamantalang inilagak sa Valley of Peace Funeral Morgue para isailalim sa awtopsiya.

Naniniwala ang mga kaanak ng biktima na walang “foul play” at ipinalagay na “depressed” lamang ang biktima.

AUTHOR PROFILE