Posas

Lalaki huli sa 3 counts na gahasa sa ‘bata’

March 15, 2024 Edd Reyes 68 views

NALAMBAT ng pulisya ang suspek sa tatlong counts ng panghahalay sa menor de edad sa manhunt noong Huwebes sa Caloocan City.

Binuo ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang grupo ng mga pulis sa pangunguna ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section para dakmain si alyas Dave na inireklamo ng panghahalay ng batang babae.

Dakong alas-9:45 ng gabi nang sugurin ng pulisya ang tinutuluyang bahay ni alyas Dave sa B. Serrano Avenue, Brgy. 86 na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

Ayon kay Col. Lacuesta, naglabas ng warrant of arrest si Caloocan Family Court Presiding Judge Barbara Aleli Hernandez Briones laban sa akusado na nahaharap sa tatlong bilang na kaso ng statutory rape.

Pansamantang nakadetine sa custodial facility ng Caloocan Police Station ang akusado habang hinihintay pa ang commitment order ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Caloocan City Jail.

AUTHOR PROFILE