Default Thumbnail

Binata binaril ng RIT, sapol sa CCTV

March 15, 2024 Edd Reyes 111 views

SUGATAN ang binata ng pagbabarilin ng naka-angkas sa motorsiklong minamaneho ng kanyang kasabwat noong Biyernes sa Pasay City.

Nasapol ng CCTV sa lugar ang pamamaril kay alyas Angelo, residente ng Leveriza St. Pasay, sa Dapitan St. Brgy. 6, dakong alas-2:16 ng madaling araw.

Sa panayam kay Pasay police chief P/Col. Mario Mayames, may dalawang “persons of interest” na silang tinutugaygayan sa tangkang pamamaslang.

Nagbigay na rin ng direktiba si Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Mark Pespes sa mga pulis na tugisin ang mga suspek na mabilis na tumakas patungong Harrison St. makaraan ang pamamaril.

Sinabi ni Col. Mayames na nasa maayos ng kalagayan ang biktima na naisugod kaagad ng nagrespondeng tauhan ng Pasay City Rescue Team sa Pasay City General Hospital.

AUTHOR PROFILE