Lalaki dedo sa pamamaril sa Bambang

May 21, 2022 Jonjon Reyes 442 views

PATULOY na iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District (MPD) ang motibo sa pamamaril sa maglive-in partner sa Sta. Cruz, Lungsod ng Maynila.

Dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Ferdinand Guevarra, 23, residente ng Tindalo St., Bgy. 254 Tondo, Maynila.

Nakaligtas naman ang kanyang live-in partner na si Erika Ann Gabriel, 20.

Tinutugis na rin ng pulisya ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na suspek sa pamamaril sa biktima.

Nauna rito, sakay ng tricycle ang mga biktima nang sumulpot ang mga suspek na nakasuot ng full face helmet at saka sila pinagbabaril.

Sa kasawiang palad, napuruhan si Guevarra habang masuwerte namang hindi tinamaan ang live-in partner nito at kanyang ina na kasama nila nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Bambang sa Sta. Cruz, Maynila hapon ng Biyernes.

Nagpapatuloy pa ang follow-up operation ng pulisya para sa ikadarakip ng mga responsableng mga salarin. Ni Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE