Patay PATAY–Sinisiyasat ng mga otoridad ang pinangyarihan ng pamamaril na ikinamatay ng isang lalaki. Kuha ni Jon Jon Reyes

Lalaki binistay ng bala patay

September 5, 2023 Jonjon Reyes 407 views

ISANG 28 anyos na binata ang namatay matapos paulanan ng bala sa kanilang bahay tahanan noong madaling araw ng Martes sa Simoun St., Tondo, Manila.

Nakilala ang biktima na si Jan Marini Cruz.

Samantala, hindi pa nakikilala ang suspek na nakasuot ng itim na jacket at naka bull cap nang mamaril.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. John Kevin Zuñiga kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 5:45 ng madaling araw nang pagbabarilin ang biktima.

Naisugod pa ng mga kaanak ang biktima sa Tondo Medical Center pero dakong 6:32 ng umaga idineklara ng ideklarang dead-on-arrival ni Dr. Ezexiel Evangelista.

AUTHOR PROFILE