Default Thumbnail

Lalaki, 17, nahulog sa gusali ng kolehiyo, dedo

February 10, 2023 Edd Reyes 209 views

BUMULUSOK pababa patungo sa kanyang kamatayan mula sa gusali ng pinapasukang kolehiyo ang 17-anyos na Grade 12 student kamakailan sa Muntinlupa City.

Nasawi habang ginagamot sa Muntinlupa Medical Center sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa katawan ang lalaking estudyante na residente ng BF Homes, Paranaque.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Southern Police District (SPD) P/BGen. Kirby John Kraft, ipinaparada ng testigong canteen concessionare ng naturang kolehiyo ang kanyang kotse dakong alas-12:05 ng tanghali nang masaksihan niya ang pagbulusok pababa ng biktima mula sa ika-6 na palapag ng gusali ng kolehiyo.

Kaagad na ipinabatid ng testigo sa nurse ng paaralan ang nasaksihan na kaagad namang tumulong upang maisugod sa pagamutan ang biktima.

Ayon kay BGen. Kraft, inaalam pa ng pulisya ang dahilan ng pagkahulog ng biktima.

AUTHOR PROFILE