Kuya Kim

Kuya Kim, tinamaan ng Covid

May 30, 2022 Jun Nardo 433 views

TINAMAAN ng COVID virus si Kim Atienza kaya naman malungkot siyang hindi napuntahan ang graduation ng anak.

Eh, papasok na sa college ang anak niya kaya gustuhin man niyang dumalo, kinailangan niyang mag-isolate at magpagaling.

Matatandaang ingat na ingat si Kim upang huwag magkaroon ng virus.

Pero minalas at hindi nasaksihan ang pagtatapos ng anak.

Arjo

PARI, NA-STARSTRUCK KAY MAINE

NA-STARSTRUCK ang pari na nagkasal sa kapatid ni Maine Mendoza kaya naman hindi maiwasang mangiti ang mga taong sumasaksi sa kasal.

Hindi naman sinasadya ni Meng na makaagaw ng atensiyon sa seremonyas pero kapatid niya ang ikinasal at isa siya sa mga abay kaya smile na lang siya sa nangyari sa pari.

WALANG 3RD INSTALLMENT

HINDI muna magkakaroon ng third installment ang Mano Po Legacy after ng Her Boss nina Ken Chan at Bianca Umali.

Magtatapos na ito this week at ang kapalit nito next week ay ang Love You Stranger nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

Ngayong June, sunud-sunod ang mga show ng GMA. Nariyan ang The Fake Life nina Beauty Gonzales, Sid Lucero at Ariel Rivera, Running Man PH at nakalinya pa ang Lolong ni Ruru Madrid at ang Voltes V Legacy.

AUTHOR PROFILE