Kris Aquino

Kris nali-link sa vice governor ng Batangas

June 3, 2021 Aster Amoyo 200 views

FORTY-three year-old Batangas vice-governor Mark Leviste must now be separated from his wife na si Ann Leviste kung kanino siya may isang anak na si Ronin Leviste. Dahil kung sila pa ay malabo itong (Mark) manligaw o ma-link sa ibang babae laluna sa kilalang celebrities tulad ng Queen of All Media na si Kris Aquino at ang nakababatang kapatid ni Ara Mina, ang singer-actress na si Cristine Reyes.

Nagsimula ang pagkakaibigan nina Kris (50) at Mark (43) nung September 2019 nang magkaroon ng public invitation ang una para sa mga single men with age from 41-55 sa kanyang Instagram account na maging kaibigan. Isa ang young politician sa sumagot sa paanyaya ng Queen of All Media.

“Looking for someone single aged 41?” komento ni Mark.

“Napaso na (ako) sa `players’ (literal and figurative) and an elected official. You have a check in both boxes. Not looking but I look forward to getting to know you better and befriending you,” sagot naman ni Kris kay Mark.

May napabalita rin na nung March 2020 ay nag-propose umano si Mark kay Kris but was turned down by the actress-host-vlogger pero nanatili ang pagiging magkaibigan ng dalawa.

Madalas din umanong makita si Mark sa lobby ng tinutuluyang condo ni Kris at bunso nitong anak na si Bimby sa BGC. Nung nakaraang February ay nakita sina Kris at Mark na nagdi-dinner sa isang restaurant in Makati kung saan kasama ang isang friend ng actress-host at kaisa-isang anak ni Mark (sa kanyang ex-wife) na si Ronin.

Last Tuesday, June 1, nakita si Mark na dumalaw sa condo ni Kris matapos itong magpabakuna ng kanyang first dose ng AstraZeneca with her lawyer na si Atty. Gideon Pena. Dinalhan ni Mark si Kris ng pagkain.

Although wala pang inaamin sina Kris at Mark sa status ng kanilang pagiging magkaibigan, marami ang naniniwala na nanliligaw ang young politician (from the Leviste clan ng Batangas) sa ina nina Joshua at Bimby. Matatandaan na dalawang beses nag-propose ng marriage kay Kris ang actor-politician at dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista pero ito’y tinanggihan ng una. Pero nanatiling magkaibigan hanggang ngayon sina Kris at Herbert. May apat na anak sa dalawang magkaibang babae si Herbert but has never married anyone.

Kahit limang taon nang wala sa telebisyon si Kris at walang bagong pelikula, hanggang ngayon ay isa pa rin siya sa mga kilalang personalidad na patuloy na sinusubaybayan ng publiko.

Direk Darryl pinupuri ng mga artista

Darryl YapFIRST time na nakatrabaho ng award-winning actress na si Ella Cruz si Direk Darryl Yap sa pelikulang “Gluta” at bumilib siya sa kakaibang husay nito sa pagdidirek. Ito rin ang sinasabi ng ibang bumubuo ng cast ng pelikula na unang beses ding nakatrabaho ang young writer-director except for Rose Van Ginkel na nakatrabaho na si Direk Darryl sa “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar”.

“Although marami tayong magagaling na director, iba ang atake ni Direk Darryl sa pagdidirek,” pag-amin ni Arlene Muhlach na first time ding nakatrabaho ang young director.

All praises kay Direk Darryl ang bumubuo ng cast ng “Gluta” dahil na rin sa kanyang mga fresh ideas at kakaibang teknik ng pagdidirek.

Si Direk Darryl ang may pinakamaraming pelikulang ginawa at ginagawa sa ilalim ng Viva Films sa kabila ng pandemic.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube Channel and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE