Kris, may pag-asang gumaling
Marami ang natuwa sa latest update ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account kung saan ay may maganda siyang ibinalita regarding her health condition.
Sa simula ng kanyang post ay nagpasalamat si Kris sa designer na si Michael Leyva for being a loyal friend.
“To the original M.L. in my life @michaelleyva_ , little did i know, July of 2015 — i’d make a lifelong, LOYAL friend and for kuya josh & bimb to have an adopted kuya…
“Ibang klaseng #lovelovelove yung lumipad ka for just 4 nights, timing your trip so you’ll be here on the day i had my 1st checkup… Thank you for the GENUINE LOVE & EXTREME EFFORT.
“Super appreciated ko that you never fail to mention that i was one of the people who helped open the door for you — pero dapat malaman ng lahat you won’t be who you are NOW kung hindi ka creative, super sipag, always pleasant, still humble, kusang matulungin, concerned sa welfare ng employees mo and mapagmahal sa pamilya…,” ang simula ng appreciation post ni Kris for Michael.
Pagkatapos nito ay nagpasalamat si Kris sa patuloy na nagdadasal sa kanya at inihatid na nga ang magandang balita na finally ay na-meet na niya face to face ang kanyang doktor na aniya ay considered among the best.
“For all of you, thank you for continuing to pray for me — i failed to ask his permission if i could name him, but my new doctor is considered among the BEST,” aniya.
Matapos siyang tingnan ng doktor ay binigyan daw siya nito ng confidence para umasa na gagaling siya kahit na mahaba ang proseso.
“I waited 3 & a half months to have a face to face consultation — and i know i made the right choice because after months of uncertainty, he gave someone like me, suffering from multiple autoimmune conditions the most important element needed: the renewed confidence to HOPE that although it will be a long process, i do have a strong chance of getting better,” sey ni Kris.
Pati ang fans niya ay natuwa at nagkaroon din ng pag-asa that everything will be okay in due time.