Gary V proud lolo na sa dalawa

February 5, 2023 Aster Amoyo 419 views

Gary1Gary2Gary3Gary4Gary5

MR. Pure Energy, Gary Valenciano is now a grandfather of two matapos isilang ang kanilang pangalawang apo ng wife niyang si Angeli Pangilinan-Valenciano sa kanilang panganay na anak, ang singer-musician, stage and concert director na si Paolo Valenciano at misis nitong si Sam Godinez last Friday, February 3.

Ang unang apo ng mag-asawang Gary at Angeli na si Leia ay 6 years old na turning 7 this year.

Si Paolo ay panganay ng celebrity couple na sina Gary V. at Angeli. Ang dalawa pa nilang anak ay sina Gab at Kiana.

Ang misis ni Paolo ay na si Sam ay pamangkin ng `Concert King’ na si Martin Nieverana matalik na kaibigan ni Gary V.

“Well hello there! His name is realy Luch which is sort for Luciano. But I think I’ll call him Luc as in Luke. You sister (Leia) awaits at home,” post niyasakanyang Instagram account.

“I can’t wait to carry you and your many stories about the greatest love in the universe…the love of God! I know this force will be strong in you. Pappie is here for you just like I’m here for your sister Leia.

I thank the Lord for you. I love you Luc. I’m your grandfather,” mensahe pa ni `Mr. Pure Energy’ sa kanyang IG account.

Hindi naman nagpahuli ang nakababatang kapatid ni Paolo na si Gab (Gabriel Valenciano) sa kanyang pagbati.

“Welcome to the family, baby Luciano Mikael `Luc’ Godinez Valenciano. I promise to be the best ninong I can be for you. Hayyyy! Congrats Kuya Pao and Sam and Leia! We love you Guys so much!,” mensahe ni Gab.

Hindi ikinakaila ng mag-asawang Gary V. at Angeli na kakaiba umano ang kanilang pakiramdam ngayong dalawa na ang kanilang apo.

ALLTV magsasara na raw agad?

WillyOVER the weekend ay pumutok ang balita na kesyo magsasara na umano ang bagong bukas na ALLTV ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na pag-aari ng pamilya Villar dahil sa hina umano ng reach at walang commercial loads na pumapasok.

Dahil sa balitang ito ay minabuti naming mag-reach out sa mga taga- ALLTV para makuha namin ang totoong kuwento.

“Eksaherado naman ang mga balitang lumalabas,” pahayag ng aming source na ayaw magpabanggit ng pangalan.

“Aayusin lamang po muna ang signal para mas malawak ang reach ng mga programa,” dugtong pa niya.

Sa medaling salita, temporary lamang na mawawalasa ere ang mga programa ng ALLTV tulad ng “Wowowin” ni Willie Revillame, “Toni” ni Toni Gonzaga at “M.O.Ms (Mhies On A Mission)” nina Ruffa Gutierrez, Mariel Rodriguez at Ciara Sotto para lalong mapalakas ang kanilang signal for a wider reach ng ALLTV channel at babalik din agad ang mga itosa ere once the signal is fixed.

Sinabi rin ang aming source na maglalabasumano ang ALLTV ng official statement this week para agad malinawan ang naglalabasang balita na magsasara na umano ang bagong bukas na TV network na siyang nakakuha ng dating prime frequency ng ABS-CBN.

Gusto rin sana naming marinig ang pahayag ng pangulo ng ALLTV na si Maribeth Tolentino para malinawan ang issue.

Sofia lumipat na ng management

PicWALA na sa pangangalaga ng Viva Artists Agency (VAA) ang 23-year-old singer-songwriter na si Sofia Romualdez, panganay sa dalawang anak na babae ng mag-asawang Alfred Romualdez (mayor of Tacloban City) at singer, actress, celebrity endorser, entrepreneur, former politician at online host na si Cristina Gonzales popularly known as Kring-Kring Gonzales.

Si Sofia ay nasa kuwadra na ngayon ng talent manager (ALV Circuit), businessman at president ng Miss World Philippines Organization at franchise owner ng Miss Grand Philippines na si Arnold Vegafria.

Sa tulong ni AlV, Sofia will pursue her singing career and eventually ay papasukin na rin nito ang acting just like her mom, ang newly-crowned Ms. Noble Queen of the Universe na ang coronation ay ginanap sa Tokyo, Japan last December 2023.

Si Sofia ay dating nasa pangangalaga ng VAA at nakapag-record ng dalawang pop- R&B singles na “Pikit Mata” at “Thinkin’ of U” under Viva Records. She also completed her acting workshop sa bakuran ng Viva.

Tunay na dahilan ng paghihiwalay nina Pokwang at Lee nahuhulaan na

PokwangHINDI pa man naggi-guest ang singer, actress-comedienne, host at entrepreneur na si Pokwang (Marietta Subong in real life) sa “Fast Talk” ng King of Talk na si Boy Abunda ay may idea na ang marami na ang kawalan ng trabaho ng American actor nasi Lee O’Brian ay isa sa matinding dahilan ng paghihiwalay ng dalawa. Na magmula nang sila’y magsama ay si Pokwang na rin mismo ang bumubuhay sa kanyang pamilya pati na ang pangangailangan ng kanyang (dating) partner na si Lee.

It turned out na si Pokwang din ang nagbigay ng puhunan sa kanilang itinayong Pok-Lee business na itinigil na ng singer-comedienne at pinalitan niya ito ng `Mamang Pokwang’ na siyang common na tawag sa kanya in showbiz.

Sina Pokwang at Lee ay nagkalapit sa isa’t isa matapos magsama sa pelikula ng una, ang “Edsa Woolworth” sa Amerika. The following year, Lee pursued Pokwang hanggang sa maging sila at nagdesisyon na ring manatili sa Pilipinas ang actor nang magsimula silang magsama ng singe, actress-comedienne. Ang pagsasama nilang `yon ay nabiyayaan ng isang anak, ang kanilang 5-year-old daughter na si Malia Francine Subong.

Ang apelyido ng bata ay isinunod ni Pokwang sa kanyang surname na Subong dahil hindi umano sila kasal ni Lee, bagay na pinasasalamatan ngayon ng singer, actress-comedienne. Mas magiging kumplikado umano ang lahat kung sila’y kasal.

Ang panganay na anak ni Pokwang na si Ria Mae ay anak niya sa isang Japanese national.

Si Pokwang na rin ang nagsabi na may iba na umanong babae ngayon ang kanyang dating partner na si Lee na kahit kelan ay hindi umano nagbigay ng child support sa kanilang anak na si Malia.

Julia at Diego magkapareha pero malabong ma-link sa isa’t isa

DiegoPAGKATAPOS ng “Expensive Candy” na pinagtambalan nila ni Carlo Aquino mula sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana under Viva Films at ipinalabas sa mga sinehan nung September 2022, nagbabalik si Julia Barretto sa bago nitong pelikula under Viva, ang romance-drama movie na “Will You Be My Ex?” napinagtatambalan nil ani Diego Loyzaga mula sa direksiyon ni Real Florido, ang director ng kanyang debut film na “1st Ko si 3rd” na nanalo ng international award mula sa London Film Awards at Canada International Film Festival.

Sina Julia at Diego ay parehong nasa pangangalaga ngayon ng Viva Artists Agency, at dalawa sa pinaka-busy among their wards.

Although single ngayon si Diego after his break-up with his ex-girlfriend na si Barbie Imperial more than a year ago, malabong ma-link ang actor sa kanyang bagong leading-lady who is very much in love pa rin sa kanyang boyfriend, ang Kapamilya actor, military reservist at entrepreneur na si Gerald Anderson.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE