Kris

Kris, ipinagdarasal ng celebrity friends

June 4, 2022 Ian F. Fariñas 104 views

HAUNTING” kung tawagin ng isang netizen ang latest video update ni Kris Aquino tungkol sa kanyang health condition sa Instagram kung saan sinabi niya na the next two years ay goodbye muna sila’t magpapagamot na nga siya sa Amerika.

Para nga raw nagpapaalam na si Kris sa lahat sa tono ng kanyang Instagram post.

Dagdag komento ng netizen, “I used to voice out how much I’m irritated with her but right now, I wish her nothing but the best. I hope she can still overcome her illness.”

Hindi lang ordinaryong fans at followers ni Kris ang labis na nalungkot sa latest update sa kanyang kalusugan.

Maging ang ilan niyang celebrity friends, sobrang naapektuhan sa balita ng kanyang kalagayan sa ngayon.

Ilan nga sa mga nagbigay ng mensahe’t dasal kay Kris ay sina Judy Ann Santos, Anne Curtis, Kim Chiu, Lorna Tolentino, Pin Antonio, Francis Libiran, atbp.

Hindi man sila lantarang close gaya kay Sharon Cuneta, ani Juday kay Kris, “We’ll be praying for your health and recovery, kris,” sabay lagay ng red heart emoji.

Si Kim naman, “Love you ate” na may yellow heart emoji ang ikinoment sa IG post ni Kris habang si Anne naman ay nagsabing, “Big hug ate. Praying for your recovery.”

Gaya ng mga nauna, nagpahatid din ng healing prayers si LT para kay Kris.

Sa ngayon, halos isang milyon na ang views ng ginawang video upload na ito ni Kris sa IG.

AUTHOR PROFILE