Secrets

Direk Joey, sawa na sa romcom

June 4, 2022 Ian F. Fariñas 157 views

SAWANG-SAWA na raw si Direk Joey Reyes sa romantic comedy projects at sa pleasant film materials kaya naman naisipan niyang gumawa na kakaibang putahe sa pamamagitan ng Secrets ng Viva Films na mapapanood via streaming sa Vivamax simula June 10.

Although hindi raw niya sinasabi na ayaw na niyang gumawa ng romcom ever, na-challenge raw si Direk Joey dahil sa kaibigang si Direk Joel Lamangan na suki na nga naman ng Vivamax movies.

“Gawa siya nang gawa sa Vivamax so sabi ko, pag-iisipan ko. Gusto kong ma-challenge rin ako, gusto ko rin maka-work ang mga artistang bago, I wanted to do something new,” paliwanag niya sa virtual press conference ng Secrets na pinagbibidahan ng mga baguhang sina Denise Esteban, Janelle Tee, Benz Sangalang ang si Felix Roco.

Mapangahas at maraming maiinit na eksena sa Secrets na kinunan sa Baler kung saan sabi ni Direk Joey, eh, “surrounded by big waves na parang kulo sa utak ng tao.”

Pero, paglilinaw niya, hindi niya ginawa ang Secrets para magpaka-kontrobersyal.

Bilang batikan at beterano na sa industriya, hindi na nga naman niya kailangan pang gumawa ng ganu’ng eksena.

Dagdag ni Direk Joey, ginawa niya ang Secrets para makapaghain ng something new sa Pinoy audience na matagal-tagal na rin daw uhaw sa mga bagong pelikula ngayong panahon ng pandemya.

After Secrets, anang direktor, may susunod na siyang proyekto sa Vivamax at excited siya dahil isa itong crime story.

AUTHOR PROFILE