Kris

Kris ayaw itago ang tunay na kalagayan

May 16, 2022 Aster Amoyo 237 views

PAALIS patungong Amerika sa darating na Huwebes, May 19 ang tinaguriang “Queen of All Media” na si Kris Aquino kasama ang kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby para doon ipagpatuloy ang kanyang pagpapagamot.

The 51-year-old host, actress, producer, social media influencer and entrepreneur has always been very honest and transparent sa lahat ng bagay including her present `life-threatening’ health condition na siya ring dahilan ng pagbagsak ng kanyang timbang.

Paalis na dapat si Kris nung isang linggo but she was stopped by her doctors dahil mataas ang kanyang BP (blood pressure) and had to wait na bumalik ito sa normal.

Gusto sana ni Kris na gawing pribado na lamang ang kanyang pinagdadaanang sakit pero unfair naman daw sa mga taong patuloy na nagdarasal para sa kanya at sa kanyang agarang paggaling. Naniniwala rin si Kris na mas kailangan niyang maging honest sa lahat para malaman nila ang kanyang tunay na kundisyon at hindi yung kung anu-anong mga maling espekulasyon ang naglalabasan.

Kumpirmado ang pagkakaroon niya ng tatlong autoimmune condition – ang chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis at Churg-Strauss syndrome. Natatakot ang mga doctor ni Kris sa Pilipinas at sa Amerika na maapektuhan ang kanyang heart at lungs kaya kinakailangan niya ng further treatment sa Amerika.

Samantala,nakikiusap si Kris na huwag idamay ang kanyang dalawang anak sa mga bashing lalupa’t alam naman ng lahat na may autism ang kanyang panganay na si Joshua (26) habang ang kanyang bunso na si Bimby ay kinse anyos pa lamang.

Lacson

Jodi

Ping best president para sa pamilya

MAAGANG tinanggap ng Presidential candidate na si Sen. Panfilo `Ping’ Lacson ang naging hatol ng mga botante sa nakaraang May 9, 2022 elections kaya pagkatapos ng kanyang termino sa Senado on June 29, 2022 ay tuluyan na siyang hihinto sa political arena at haharapin naman niya ang kanyang pamilya sa kanyang pagre-retiro.

Agad namang nag-post sa kanyang Instagram account ang kanyang daughter-in-law at partner ng kanyang panganay na si Pampi Lacson na si Iwa Motto: “To our dearest Papa Ping, we love you! You are still our champion.

Your are our HERO. We all know that you are the best candidate for the job. But we will respect the decision of everyone. Atlis po daddy lumaban tayo hanggang huli. You are the best president the Philippines will never have.

Your family is excited to spend more time with you dad. You have been serving the country with all your heart. Time to rest and enjoy life.

“Basta para sa akin dad, it’s not your loss kasi maganda naman talaga ang intention mo.”

Bukod sa dalawang apo ni Sen. Ping kina Pampi at Iwa na sina Eve (8) at Caleb Jiro (1), ang panganay niyang apo na si Thirdy (Panfilo Lacson III)- 15 ay anak ni Pampi sa kanyang ex-wife, ang actress na si Jodi Sta. Maria na si VP Leni Robredo ang sinuportahan sa mga presidential candidates.

Samantala, sinabi ni Sen. Ping na kapag hindi siya pinalad sa kanyang presidential bid ay tuluyan na umano siyang magre-retiro sa kanyang political career at babawi umano siya sa kanyang pamilya.

Rayver at Janine ang bilis naka-move on

WALA pang pag-amin na nagmumula sa rumored sweethearts na sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino gayundin sa pagitan ng mga Kapuso na sina Julie Ann San Jose at Rayver Cruz kahit obvious sa dalawang couple ang kakaibang closeness na kanilang ipinakikita sa publiko.

For now, `what you see is what you get’ na lang muna ang mga tagamasid sa magkahiwalay na tandem.

Everybody knows na sina Janine at Rayver ang dating magkasintahan. Nagkahiwalay lamang ang dalawa nang magsimula ang tambalan nina Janine at Paulo nang lumipat ng ABS-CBN ang singer-actress.

Tila mabilis na nakapag-move on sina Janine at Rayver sa kanilang break-up dahil agad sila nakahanap ng ibang mamahalin.

Flores

Rash makulay ang buhay

PAKISTANI ang ama ng Viva sexy actor na si Rash Flores who is Rashid Nuguid in real life. Ang apelyidong Nuguid ay hango sa family name ng kanyang stepdad who adopted him.

Magmula nang isilang si Rash ay hindi na umano niya nasilayan ang kanyang biological father at wala na umano siyang intention na hanapin pa ito.

Si Rash ay lumaki sa kanyang yaya na siya niyang kinagisnang ina pero when he turned 19 ay nakilala na niya ang kanyang biological mother na nagpakilala na siya umano ang kanyang tunay na ina sa tulong ng social media.

Tumayo ring parents sa kanya ang kapatid at bayaw ng kanyang yaya na Nuguid ang apelyido.

Marami silang magkakapatid kung iku-consider niya ang kanyang anim na `kapatid’ sa kanyang step-dad at apat naman sa kanyang biological mother habang wala namang sariling pamilya ang kanyang yaya. Laking kalye din umano siya pero nagpapasalamat siya na siya’y hindi napariwara.

Ang Rash ay hango sa kanyang first name na Rashid habang ang Flores ay apelyido ng kanyang maternal grandmother.

Sa Facebook umano siya na-discover ng kanyang manager na si Jojo Veloso na siya namang nagdala sa kanya sa Viva at unang proyekto niya ang “Pornstar 2” na agad nasundan ng “Palitan,” “Island of Desire”. Ang iba pa niyang unreleased projects for Vivamax streaming app ay ang “Secrets” with Janelle Tee na pinamahalaan ni Jose Javier Reyes, ang “Sitio Dyablo” with AJ Raval na pinamamahalaan ni Roman Perez, Jr. at ang “Itago sa Dilim” na pinagsasamahan nila nina Kylie Verzosa at Angeli Khang mula sa direksyon ni Paul Basinillo at ang “Balik Taya” with Diego Loyzaga and Angeli Khang na pinamamahalaan naman ni Roman Perez, Jr.

Nagpapasalamat si Rash dahil sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya. Since hindi man lamang siya nakapag-tapos ng high school, gusto niya itong balikan at makapag-patuloy sa kolehiyo.

“Alam naman natin na hindi panghabang-buhay ang pag-arte. Mas maganda siguro kung tapos ka sa pag-aaral para may fallback ka balang araw,” aniya.

Sangalang

Jojo may bagong talent sa Viva

ANG talent manager na si Jojo Veloso na marahil ang may pinakamaraming talents na nasa bakuran ng Viva na pinangungunahan ng dalaga ni Jeric Raval na si AJ Raval.

Ang isa pang up and coming sexy actor ng Viva na alaga ni Jojo ay si Benz Sangalang na dating TV commercial model. Discovery siya ng writer-director na si Neal `Buboy’ Tan nang ito’y umupong hurado sa isang male pageant kung saan mga TV and movie director ang umupong hurado at kasama na rito ang yumaong si Maryo J. de los Reyes.

Napasama si Benz sa pelikulang “Talo, Tabla, Panalo” na tinampukan nina Boots Anson Roa and the late Eddie Garcia ang German `Kuya’ Germs Moreno.

Naikuwento sa amin ni Benz na na-murder umano ang kanyang ina nung 2011 pero hanggang ngayon ay hindi pa umano nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang ina.

Mag-isang anak lamang siya sa second family ng kanyang ama kung kanino siya may isang half-sister.

Ngayong nasa bakuran na siya ng Viva at nagpapa-sexy na rin, sunud-sunod na proyekto ang kanyang ginagawa ngayon.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE