Bea

Bea, nangakong ’di magiging Spanish citizen

May 16, 2022 Vinia Vivar 320 views

Finally ay ni-reveal na ni Bea Alonzo ang dahilan ng pagpunta niya sa Spain noong nakaraang Marso.

Hindi pala talaga ito work-related tulad ng sabi niya nang ma-interview namin siya sa presscon niya for Beautederm kundi personal pala talaga.

Sa 100th episode ng kanyang YouTube channel, ipinakita ni Bea ang apartment-hunting na ginawa niya sa Spain.

Yes, bumili siya ng bahay sa Madrid!

Kung bakit sa Madrid niya naisip bumili ng bahay, heto ang paliwanag ni Bea:

“I love Spain. Because of the pandemic, naisip ko you only live once so I have to go for it.

“Since last year, I have been looking for an apartment. Nag-umpisa lang ‘yan sa pagtingin-tingin sa Internet. Kaya ko ba? Kaya ba ng budget ko? Nakakatakot ba? Ano ba ‘yung mga rules? Mahirap ba?” patuloy ng aktres.

And then she learned na nagga-grant ang Spain ng golden visa.

“If you have a golden visa, instantly you will become a resident,” paliwanag pa niya.

Wala naman daw dapat ipag-alala ang kanyang fans na baka maging Spanish citizen na siya.

Aniya ay hindi naman at gusto lang daw niya talagang mag-invest sa Spain at para rin magkaroon ng golden visa.

Sa tulong ng isang real estate broker sa Spain na half-Pinoy din, hindi masyadong nahirapan si Bea na tumingin ng mga for sale na apartment sa Madrid.

She went apartment-hunting for four days at anim na units ang kanyang tiningnan bago siya nakapili ng gusto niyang bilhin.

Ipinakita lahat ng aktres ang lahat ng bahay na kanyang pinuntahan at kung ano ang mga gusto at ayaw niya sa bawat isa.

Hanggang sa finally ay makapili na nga siya kaya masayang-masaya ang aktres.

Pagbalik daw niya sa Madrid ay isasama niya ang kanyang ina para makita rin nito ang kanilang bagong bahay.

AUTHOR PROFILE