Kris at dating DILG Secretary Sarmiento umiinit

August 13, 2021 Aster Amoyo 545 views

KAHIT may anim na taon nang walang regular TV show ang dating Presidential daughter and sister na si Kris Aquino ay marami pa rin siyang followers hanggang ngayon. After all, she’s NEWS whatever she does.

Nasa balita na naman ang `golden girl’ na ina nina Joshua at Bimby dahil na-li-link ito ngayon ang sa businessman, dating mayor at kongresista ng Calbayog City at former DILG Secretary at naging Secretary-General ng Liberal Party na si Mel Senen Sarmiento. Si Mel ay nakilala ni Kris nung Pangulo pa ng bansa ang yumaong nakatatandang kapatid ni Kris na si Noynoy Aquino and got reconnected with him nang sumakabilang-buhay si PNoy nung nakaraang June 24, 2021.

Although wala pang two months magmula nang sumakabilang-buhay si PNoy, nagkaroon ng komunikasyon sa pagitan ni dating DILG Sec. Senen at Kris. Ang simpleng pagbati ni Kris sa kaagawan ng dating politician at public servant ay sinuklian ni Mel nang isang napakagandang peach roses flower arrangement which was sent to Kris bagay na ikinatuwa hindi lamang ni Kris at ng mga taong malalapit sa kanyang kundi laluna na ng kanyang teen-age son (kay James Yap) na si Bimby. Apparently, may constant communication na sina Kris at Mel kaya aprubado sa kanya ang mga taong malalapit kay Kris maging ang panganay niyang si Joshua.

Si Mel ay nagmula sa Calbayog City ng Samar at magkababayan sila ng veteran and award-winning director na si Chito Rono na ang ama ay isa ring kilalang politician.

Bukod sa pagkakaroon nito ng construction company in Samar, si Mel na isang taal na Waray ay naging vice mayor, mayor at kongresista ng Calbayog.

Kung nabubuhay pa hanggang ngayon si PNoy, tiyak na magiging masaya raw ito para sa kanyang bunsong kapatid na si Kris dahil kilalang-kilala niya ang pagkatao ni Mel na itinuring na kaibigan ng namayapang dating pangulo.

Ang isa umanong ikinagusto ni Kris kay Mel ay ang pagkakaroon umano nito ng guts na ipagtanggol siya (Kris) sa bashers.

Jane handa nang maging Darna

beautyTINAPOS na ni Jane de Leon (22) ang kanyang mga natitirang eksena sa “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil kailangan na niyang harapin ang paghahanda para sa taping ng kanyang first lead-role TV series where she will be playing the role ng classic heroine na “Darna” na likha ng yumaong nobelista na si Mars Ravelo at artist na si Nestor Redondo na unang nalathala sa Pilipino Komiks nung May 13, 1950.

Si Jane ay dating miyembro ng all-girl dance group na Girltrends ng noontime show na “It’s Showtime” bago naging artista.

Si Jane ay nakatakdang magsimulang magtaping for Darna TV series next month (September) kung saan niya makaka-bituin sina Iza Calzado at Paulo Avelino among others. Si Iza ang gaganap na original “Darna” na magpapasa ng mahiwagang bato sa kanyang anak na si Narda (Jane) that will transform her sa pagiging “Darna”.

Hindi pa rin ibinabahagi ng ABS-CBN ang ibang members of the cast maging ang magiging director ng “Darna”.

Samantala, si Jane ang pangatlong actress na gaganap as “Darna” na telebisyon. Nauna na rito sina Angel Locsin in 2005 at Marian Rivera in 2009 both produced ng GMA.

Ang “Darna” na pagbibidahan ni Jane ay mapapanood sa lahat ng digital platform ng ABS-CBN maging sa TV5 at sa A2Z channel 11.

Ang role na “Darna” ay unang ginawa sa pelikula in 1951 sa pamamagitan ng dating movie queen na si Rosa del Rosario. Ito’y dinirek at produced ni Fernando Poe, Sr. (ama ng movie king na si FPJ) at ipinalabas noon sa Clover Theater ng Sta. Cruz., Manila. It was a big hit.

Ang “Darna” ay isa sa nga naunang Pinoy heroine na ginampanan sa pelikula ng iba’t ibang actress sa iba’t ibang henerasyon tulad nina Eva Montes, Mila Nimfa, Liza Moreno, Gina Pareno, Vilma Santos (three times), Rio Locsin, Brenda del Rio, Connie Angeles, Lotis Key, Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Anjanette Abayari, Nanette Medved maging ang comedy king na si Dolphy.

Kring Kring nagpasalamat kay Coco

CocoSOBRA ang pasasalamat ng singer-actress at dating mayor ng Tacloban City na si Cristina `Kring-Kring’ Gonzalez sa actor-director ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na si Coco Martin maging sa bumubuo ng cast at production ng Dreamscape Entertainment dahil sa napakalaking break na ibinigay sa kanya ng programa where she played the role of a doctor, asawa ng character na ginampanan ni Christian Vasquez as Atty. Fernando Mante at parents ng magkapatid na Capt. Lia Mante at Dra. Mante played by Jane de Leon at Aya Fernandez.

“It was quite an experience working with Coco and the rest of the cast,” proud na pahayag ni Cristina na naging bahagi ng top-rating series sa loob ng tatlong buwan.

“Napakabait ni Coco and the rest of the cast. Napaka-supportive din nila sa kanilang mga bagong kasamahan,” pahayag pa ni Cristina na naging bahagi rin ng hit movies na “Gluta” ni Ella Cruz at “Revirginized” ni Sharon Cuneta both written and directed by Darryl Yap.

Looking forward naman si Cristina sa kanyang next project sa bakuran ng Viva.

She could have been part ng TV series na “Lolong” ng GMA pero dahil sa lock-in set-up ay hindi ito umubra dahil nasa lock-in taping din siya ng “FPJ’s Ang Probinsyano”.

AUTHOR PROFILE