Kris

Kris at BF, nakipagsagutan sa basher

August 13, 2021 People's Tonight 246 views

senenTINALAKAN ni Kris Aquino ang basher niyang pinabubura ang kanyang Instagram account dahil narcissistic at “kawawa” si ex-DILG Secretary Mel Senen Sarmiento.

Si Sarmiento ang mahiwagang lalaking ipinost ni Kris sa kanyang IG.

Sa sagutan ni Kris at ng basher, sumagot din si Sarmiento gamit ang IG ni Kris.

Ipinagmalaki naman ni Kris na mayroon siyang million na followers sa IG at Facebook samantalang ‘yung basher, eh, wala pang sampu, huh!

“Why? Did I name names? Ikaw ang nag-greet by name and nag-assume agad… and bakit mo ako didiktahan to ‘abolish my social media accounts?’” bahagi ng sagot ni Kris sa basher.

Naku, hayaan na natin si Kris kung gusto niyang lumigaya at may taong ipinaglalaban siya!

Sabi nga ni Ate Vi (Santos-Recto), “To hell!”

PINAAGANG TIMESLOT

MAS maaga na ang timeslot ng Kapuso weekly drama na Magpakailanman simula ngayong Sabado, August 14.

Tuwing 7:15 p.m. na ang timeslot ng MPK at mamaya, fresh episode ang mapapanood sa Our Abusive Father kung saan bida sina Therese

Malvar, Althea Ablan, Ashley Ortega. Michael Flores at Nina Ricci Alagao.

Kasunod nito ang Catch Me Out Philippines na hinu-host ni Jose Manalo.

Kasama niya ang Celebrity Spotter na si Derrick Monasterio at ang Catchers.

Hayan, dahil maaga na ang MPK, hindi na masisisi ang programa kapag nag-overtime ito na sinisintir ng ilang followers ng Daddy’s Gurl, huh!. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE