Vilma

Dance step ni Luis, ikinahiya ni Ate Vi

August 13, 2021 Vinia Vivar 304 views

Kina-career ni Luis Manzano ngayon ang pagiging vlogger at siyempre, all-out ang support ng inang si Congresswoman Vilma Santos sa bagong career ng anak.

Lately ay panay ang pagge-guest ni Ate Vi sa vlog ni Luis. Matatandaang last week ay napanood ang interview ni Lucky sa ina sa Facebook page.

Sa pinaka-latest vlog naman niya sa YouTube ay nag-zumba sila ng kanyang Momskie.

Sa nasabing Zumba vlog ay makikitang game na game na nagsasayaw si Ate Vi at ginagaya niya ang mga step na itinuturo ni Luis.

Of course, hindi mo basta-basta makikita na ngayong nagsasayaw ang Star for All Seasons pero bilang suporta, of course, sa anak ay pumayag siyang sumayaw.

May isang step na hindi masyadong nagustuhan ni Vi at sey niya sa anak, “Diyos ko, anak, nakakahiya ka!”

Sey pa ni Luis, sobrang nangangailangan siya ngayon kaya naman pinasok na niya ang pagba-vlog. Matumal daw kasi ang hosting jobs at lahat ng tao ngayon ay nagba-vlog na.

Tawa naman nang tawa si Ate Vi at tanong niya kay Luis, “Anak, talaga bang nangangailangan ka?”

Sagot naman ni Luis, “Wala kang inaabot lately. Nasanay ako na may konting pa-ayuda. Ngayon, nganga.”

Sa ending ng vlog, nang matapos ang session ay nanawagan si Ate Vi sa mga tao na mag-subscribe sa channel ni Luis.

“Sabi ng anak ko, kaya raw po niya ginagawa ito, kahiya-hiya man, kasi talagang gipit na gipit siya. Bilang isang ina, nakikiusap po ako na sana, mag-subscribe naman kayo sa kanya. Parang awa n’yo na po, para naman kahit paano, may income siya nang kaunti. At sisiguraduhin ko, ‘yung income niya, ise-share rin niya sa inyo,” sey ni ate Vi.

Naaliw naman ang mga netizen sa vlog at sumakit daw ang tiyan nila sa katatawa.

Sobrang ikinatuwa rin nila na makita ang bonding moments ng mag-ina.

MALALANG PANGINGIKIL

Umpisa na ng pangingikil ng pekeng faith healer na si Deborah (Eula Valdes) kina Mira at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz) para makuha ang gusto niya sa teleseryeng Huwag Kang Mangamba, na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.

Kina Mira at Joy sisisihin ni Deborah ang madugong aksidente sa construction site ng ipinapatayong simbahan, kung saan maraming trabahador ang naiwang sugatan.

Lalo pang lalala ang sitwasyon ng magkapatid dahil iipitin sila ni Deborah na ibigay sa kanya ang lupa ng simbahan kapalit ng pagtulong nito sa mga biktima.

Nangako naman si Deborah na kapag hindi siya pagbibigyan ng magkapatid, gagawin niya ang lahat para siraan sila at ang simbahan nang tuluyan.

Ang hindi alam nina Mira at Joy, si Deborah mismo ang nagplano ng aksidente dahil ito ang naiisip niyang paraan para siraan ang dalawa at maipatayo na ang matagal na niyang inaasam na healing dome para dumami ang mga debotong mapeperahan niya.

AUTHOR PROFILE