Komedyante timbog sa buy bust
HABANG nakakulong pa rin ang veteran actor na si Julio Diaz (62) matapos maaresto nung April 20, 2018 sa isang drug buy-bust operation in Meycauayan, Bulacan may tatlong taon na ang nakakaraan, naaresto naman ang 3rd runner up ng Pilipinas Got Talent (PGT) Season 6-turned actor-comedian na si Mark Joven Olvido nung nakaraang Biyernes, May 14 sa isa ring drug buy-bust operation sa Sta. Cruz, Laguna kung saan siya nakunan ng tatlong sachet ng shabu at P2,000 cash money. Siya’y nakakulong ngayon sa Sta. Cruz Municipal Police Station in Laguna.
Tinaguriang Vape Master sa PGT, si Mark ay naging action-comedian nang magtapos ang ika-anim na season ng naturang reality show. In 2018 ay naging bahagi siya ng top-rating and longest-running action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” where he played the role of Carlo `Caloy’ Mendoza. Isinama rin siya ni Coco Martin sa kanyang 2019 Metro Manila Film Festival movie na “3pol Trobol: Huli Ka Balbon”. Napasama rin siya sa 2018 movie na “Unli Life”.
Mga Pinoy trainers and designers aktibo sa Miss U
UMAASA ang mga Pinoy all over the world na masusungkit ng Pilipinas ang ika-limang Miss Universe crown ng bansa kung saan ang 24-year-old Filipino-Indian beauty from Iloilo City na si Rabiya Mateo ang kinatawan.
Ngayong Lunes (May 17) ng 8 a.m. ay matutunghayan sa A2Z Channel 11 ang grand coronation night ng 69th Miss Universe pageant na gaganapin sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino, Florida, USA.
Tapos na ang preliminary pageants ng National Costume, Swimsuit Competition and National Costume na ang mga winner ay ihahayag mismo sa coronation night.
Ang Dubai-based Filipino fashion designer na si Furne One ang gumawa ng stunning yellow evening gown ni Rabiya.
Samantala, marami sa mga Miss Universe candidates ay sumailalim ng training mula sa mga Filipino pageant coaches at ilan din sa mga kandidata ay nagsuot ng mga gowns ng mga Filipino designers including Miss Universe-Canada na si Nono Stevens na gawa ng Dubai-based Filipino designer na si Michael Cinco. Filipino designer din ang gumawa ng gown ng Miss Universe-Belize na si Iris Salguero na si Jian Lasaca.
Filipino designer din ang gumawa ng national costume ng Miss Universe-Singapore na si Bernadette Belle Ong – sina Paulo Espinosa at Arwin Merciales. Ang nasabing gown ay ipinadala sa Singapore bago pa man tumulak patungong Florida ang kinatawan ng Singapore.
Ang Miss Universe-Romania na si Bianca Tirsin ay sumailalm ng online training sa Filipino pageant coach na si Makoy Manlapaz sa loob ng tatlong buwan at kasama na rito ang personality development, Q&A mental training and styling.
Hindi ito first time na gumamit ng Filipino designers ang ibang kandidata ng Miss Universe at iba pang international pageants dahil naniniwala sila sa husay ng Pinoy designers and pageant coaches kung pagbabasehan ang mga panalo ng Pilipinas sa iba’t ibang international beauty competition.
Ang iba pang kandidata mula sa ibang bansa ng sumailalim ng training sa ilang Filipino pageant coach include Miss Nepal, Miss Cambodia at Miss El Salvador.
Filipino rin ang tumatayong Cambodia pageant director na si Romyr Libo-on.
Proud siyempre si Rabiya na kapwa niyang Pinoy ang pageant coach at fashion designers ng ilang kandidata sa Miss Universe.
Samantala, kung hindi man masungkit ni Rabiya ang korona, tiyak na pasok ito sa Top 5 ng Miss Universe 2021.
John Lloyd bagong talent ni Maja sa management company
TULAD ng inaasahan ng marami, ang actor na si John Lloyd Cruz ang kauna-unahang major star na lumagda ng kontrata sa bagong tatag ng talent management company na Crown Artist Management na pinamumunuan mismo ng actress-dancer-entrepreneur na si Maja Salvador bilang president/CEO ng kumpanya.
Sina John Lloyd at Maja ay parehong nagsimula ang career sa bakuran ng ABS-CBN sa tulong ng Star Magic, ang talent management arm ng Kapamilya network.
Sa tulong ng Crown Artist Management, inaasahan ang pagiging aktibong muli sa kanyang showbiz career ni John Lloyd who took a `leave of absence’ from showbiz in October 2017 kasama ang kanyang ex-girlfriend at ina ng kanyang almost three year-old son na si Elias Modesto na si Ellen Adarna.
Si JLC ay huling napanood sa primetime na “La Luna Sangre” kung saan sila pareho ni Angel Locsin nagkaroon ng special guest appearance in 2017 maging ang weekly sitcom nila noon ni Toni Gonzaga na “Home Sweetie Home”. Nagkaroon din si JLC ng guest appearance sa pelikulang “Culion” in 2019.
Samantala, may tinapos ding pelikula si John Lloyd sa bakuran ng Star Cinema, ang “Servando Magdamag” na pinamahalaan ni Lav Diaz na hindi pa naipalalabas. May pending movie project din siya, ang kanyang reunion movie with Bea Alonzo na nakatakdang idirek ni Cathy Garcia Molina under Star Cinema. Pero ang iba pa niyang mga proyekto ay pangangasiwaan na ng kanyang bagong management company, ang Crown Artist Management ni Maja.
Samantala, natutuwa ang mga follower ni JLC dahil bukod sa pagiging aktibong muli sa kanyang showbiz career after almost four years of being inactive lalupa’t muli nitong ibinalik ang kanyang dating clean-cut look.
Thirdy malapit nang pumasok sa college
IN two years’ time ay meron nang college student ang Kapamilya actress na si Jodi Sta.Maria, ang kanyang teen-age son na si Panfilo `Thirdy’ Lacson III sa kanyang ex-husband na si Pampi Lacson, anak ni Sen. Panfilo Lacson, Sr.
Kamakailan lamang ay grumadweyt na si Thirdy sa kanyang junior high school.
Kahit single mom si Jodi kay Thirdy, gustong bigyan ng kredito ng actress ang kanyang ex-husband na si Pampi na hindi umano nagpapabaya ng kanyang obligasyon bilang ama sa kanyang anak.
Jodi is in good terms with her ex-husband at sa partner nito ngayon, ang (dating) actress na si Iwa Moto maging sa kanilang dalawang anak na sina Mimi at Calej Jiro (CJ), ang dalawang younger half-siblings ni Thirdy.
Jodi is now in a romantic relationship with actor Raymart Santiago, ex-husband ng actress na si Claudine Barretto.
Rayver at Rodjun nagsosyo sa isang apparel business
PAREHONG health and fitness buff ang magkapatid na actors and dancers na sina Rodjun at Rayver Cruz gayundin ang kanilang nakatatandang kapatid na si Omar Lustre kaya may kinalaman dito ang kanilang itinayong negosyo, ang CruzFit apparel business kung saan katuwang nila ang kanilang pinsang fashion designer na si Andrea Cruz, ang misis ni Rodjun na si Dianne Medina maging ang kapatid nitong si Xavier.
Although ang pagtatayo ng sarili niyang fitness gym ang kanilang original plan, ito’y na-push back dahil sa pandemic at nag-concentrate na lamang siya sa kanilang sports apparel business na kamakailan lamang ni-launch via online.
Alam pareho nina Rodjun at Rayver na kahit aktibo pa rin sila sa showbiz hanggang ngayon ay kailangan pa rin nilang magkaroon ng sarili nilang negosyo para sa future ng kanilang respective families.
Since may pamilya na si Rodjun, pinaghahandaan na rin ni Rayver ang pagkakaroon niya ng sariling pamilya.
Subscribe, like, share and press the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.