Kim

KimXi proposal sa Thailand, inaabangan

April 11, 2022 Vinia Vivar 1850 views

’Kaaliw ang Instagram post ni Xian Lim na larawan niya habang nasa airport at tinutulak ang cart na punumpuno ng maleta.

Caption niya, “Eto nanaman tayo sa mga maleta @chinitaprincess Ilang months ba tayo dito.”

Obviously, kay Kim Chiu ang apat na naglalakihang maleta na nasa larawan.

Magkasama ngang umalis ang KimXi for a vacation marahil ngayong Holy Week.

Thailand ang kanilang destination dahil sa mga sumunod na posts nila ay nasa Phuket na sila.

Na-happy at kinilig na naman ang KimXi fans dahil magkasama na naman sa abroad ang kanilang mga idolo.

As usual, may mga komento sila na sana raw ay may maganap nang proposal na lagi nilang wini-wish sa tuwing may travel ang dalawa.

“Whooaah éto nanaman hinihintay ang Kimxi vacation vlog soon. enjoy KimXi sana mgpropose kna kay Kim… Andami na nghihintay Xi,” komento ng isang fan at marami pang ganitong similar comments ang mababasa mo sa comment section.

Ang iba naman ay kilig na kilig sa sweetness ni Xian na siya pa ang nagtutulak ng mga maleta ng girlfriend.

CLOUT CHASER

May sagot agad si Sharlene San Pedro sa pang-iintriga sa kanya ng binansagang “Pambansang Marites” na si Xian Gaza.

May post kasi sa Facebook si Xian matapos maging official couple sina Ricci Rivero at Andrea Brillantes last Saturday.

Post ni Xian, “JUST IN: Ricci Rivero, iniwan si Sharlene San Pedro para kay Andrea Brillantes! Petsa ng unang pompyangan, inaalam ng aming team!”

Sa kanyang Twitter account ay kaagad na sumagot si Sharlene at sinabing fake news ang post ni Xian.

“Shoutout sayo Xian Gaza tama na pagpapakalat ng fake news. Napaka clout chaser mo talaga di ko alam bat may naniniwala pa sa mga walang basehan na chismis na kinakalat mo,” tweet ni Sharlene na halatang imbiyerna.

Maging si Ricci ay hindi rin nakatiis at nag-react na rin. Inirepost niya ang tweet ni Sharlene at caption naman niya, “HAHAHAHA wala kasi ata talaga may gusto jan kaya ganyan!”

Nag-reply naman si Sharlene ng “za trueeee” with face with tears of joy emoji.

Unang na-link sina Sharlene at Ricci nang gawin nila ang pelikulang Happy Times last year kung saan ay sila ang magkapareha.

Nagustuhan ng fans ang kanilang loveteam at ang daming nagsi-ship sa kanila. Pero noon pa ay pareho na nilang nilinaw na magkaibigan lang talaga sila.

Nang magsimulang ma-link si Ricci kay Andrea last month ay nadamay, of course, ang pangalan ni Sharlene since natsitsismis nga rin sila ng basketbolista.

Sa kanyang Twitter account ay ipinagtanggol pa ni Ricci si Sharlene.

“Shar’s not doing anything to people hating on her or tagging her things that she’s not part of so please wag niyo siya idamay!” tweet ni Ricci last March 13.

AUTHOR PROFILE